Celebrity Life

Ivan Mayrina, nagbahagi ng cycling tips ngayong balik-trabaho na ang mga Pinoy

By Dianara Alegre

Ngayong nakasailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, muli nang nag-operate ang ilang negosyo at establisimyento at kasunod na riyan ang pagbabalik-trabaho ng mga Pinoy.

Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin ganoon karami ang bilang ng mga pampublikong sasakyan na maghahatid sa mga manggagawa sa kanilang mga trabaho.

Bilang alternatibo, inirerekomenda ang paggamit ng bisikleta sa halip na makipagsapalaran sa pag-aabang ng pambublikong sasakyan.

Bilang paghahanda, nagbahagi si Unang Hirit host at broadcast journalist Ivan Mayrina ng ilang tips para sa mas mahusay na cycling experience sa gitna ng COVID-19 pandemic.

LOOK: Most Outstanding Kapampangan 2019 is Kapuso news anchor Ivan Mayrina!

Una, tinakalay ni Ivan kung anu-anong klase ng mga bisikleta ang akma para sa bawat isa.

Ang ibinigay niyang halimbawa ay ang mountain bike at racer o road bike.

“Mas malaki ang gulong ng mountain bike. Mas may off-road capability ika nga. Kahit medyo rough road ang dadaanan n'yo, ito ang mas akma.

“Ito namang road bike or kung tawagin ay racer, ito ay mas magaan at mas matulin.

“Kung ang dinadaanan n'yo ay smooth roads at medyo mahaba ang inyong byahe, I would suggest a road bike.

“Ngayon, kung basic commuter bike na medyo may dinadaanan kayong mga malulubak na kalye, mountain bike ang mas akma para sa inyo,” paliwanag ni Ivan.

Dagdag pa niya tungkol sa basic maintenance ng mga bisikleta para iwas disgrasya, “lahat ng moving parts, kailangan freely moving.”

Narito ang tips ni Ivan para sa wastong paggamit ng bisikleta at maging ligtas sa kalsada:

· I-check ang mga gulong

· Kailangang nasa wastong kondisyon ang mga kadena

· Siguraduhin na maayos ang inyong mga preno

· Laging magdala ng allen keys at tool kit

· Magsuot ng basic gear: helmet, shades o eye protection at face mask

· Laging magbitbit ng water bottle

· Always assume that you are invisible while biking

· Always be on the safe side

· 'Wag mag-counterflow

· 'Wag basta sumingit sa daan

· Be visible: magsuot ng mga makukulay na damit

· Maglagay ng bike light

Payo pa ni Ivan, huwag biglain ang sarili at dahan-dahanin ang pagbibisikleta.

“Kung kayo ay baguhan, dahan-dahan lang, unti-unti lang. Tantiyahin ang inyong mga katawan kung kaya pa ba o kailangan bang magpahinga.

“Basta 'wag kalimutan magdala ng tubig at siyempre alagaan ang ating sarili habang nagbibisikleta,” dagdag pa niya.

Panoorin ang buong Unang Hirit report: