Celebrity Life

Kim Domingo, sinubukan ang Kuya Wil prank sa kanyang ina

By Aedrianne Acar

Bilang katuwaan kasama ang kanyang pamilya, naisipan ni Kim Domingo na i-prank ang kanyang ina gamit ang trending recording ni Wowowin host Willie Revillame.

Sa naturang recording, maririnig ang isang pakikipag-usap ni Willie sa napipiling manalo sa "Tutok To Win" sa Wowowin.

Paliwanag ni Kim, “For today's vlog, pupunta ako ng Novaliches kasi birthday ng dalawa kong pinsan.

"So may celebration kami-kami mga family, ngayon lang kami magkikita-kita.

“So, naisip ko ito na rin 'yung pagkakataon para i-prank ko 'yung mama and tita ko.

"Ang naisip kong prank 'yung 'Salamat Shopee prank,' dahil bilang nauuso naman siya talaga ngayon so 'yun ang gagawin kong prank mamaya.”

Ayon pa kay Kim tungkol sa kanyang ina, "Sobrang favorite niya kasi si Kuya Wil. Pati yung lola ko, fan din, lagi silang nanonood ng Wowowin."

Panoorin ang priceless reaction ni Mommy Fina Domingo nang i-prank siya ni Kim:

Isang buwan na ang nakalilipas nang i-release ni Kim Domingo ang kanyang first vlog sa YouTube channel, na ngayon ay mayroon nang libu-libong subscribers.

Sa kanyang first five videos, humakot na ang Bubble Gang comedienne ng mahigit sa 360,000 subscribers sa kanyang channel.

Kim Domingo, dating sumali sa Little Miss Philippines ng 'Eat Bulaga'