Celebrity Life

Carmina Villarroel, isa ng YouTuber!

By Maine Aquino

Excited si Carmina Villarroel sa paghatid ng balita na isa na rin siyang YouTuber.

Saad ni Carmina sa introduction video sa kanyang YouTube channel, "Finally, finally, finally, I have my very own YouTube channel!"

Kuwento ni Carmina, matagal na niyang iniisip ang paggawa ng sarili niyang channel.

"I've been dreaming of having my own channel and finally it's here and it's happening. Thank you, Lord! Thank you, thank you, thank you!"

Dagdag pa ng Kapuso star, mahilig rin umano manood ang mga anak niyang sina Mavy at Cassy Legaspi ng YouTube videos. Ito ang dahilan kaya naisip niya itong subukan.

"'Yung mga anak ko mahilig kasing nanonood sa YouTube. Ang dami nilang nakikilalang YouTubers, ganyan. Matagal ko na siyang iniisip na bakit hindi ako magkaroon ng channel? So nandito na nga!"

Nagpahayag si Carmina na bukas siya sa pagtanggap ng comments at suggestions.

"If you have any comments, if you have any suggestions, just let me know, okay?"

Ibinahagi ni Carmina ang kanyang mga ipapalabas sa kanyang channel. Ito ay ang 'Mina Hack,' 'Mina Dali' at cooking videos.

"I will be sharing my life. The lives of the Legaspi family. I will be sharing tips at tatawagin ko itong 'Mina Hack.' Ganda, 'di ba? Meron din kaming mga challenges, ang tawag namin dito, Mina Dali!"

Pagpapatuloy ng Sarap, 'Di Ba? host, "Of course I will be sharing recipes also. So kung meron kayong gustong i-share ko, just like I've said, just let me know."

Inanyayahan naman ni Carmina na mag-like at subscribe ang kanyang mga fans.

"Again, welcome to my very own channel, please like and subscribe!"