Celebrity Life

Bianca Umali, nahilig sa pag-aalaga ng halaman ngayong quarantine

By Marah Ruiz

Kasama na sa parami nang paraming "plantita" si Kapuso actress Bianca Umali.

Isa raw ang pag-aalaga ng mga halaman sa mga hobbies na natutunan niya nitong quarantine.


"Sa mga nagtatanong kung ano po 'yung mga new hobbies na na-discover ko during the quarantine, isa po diyan ang pagiging plantita. Actually, I think plant lola na ko. Sobrang dami kong plants, may mga apo na. Nagsa-start na kong mag-propagate ng sarili kong plants. Yes, plantita 'ko, certified," bahagi ni Bianca sa Kapuso Brigade Zoomustahan noong October 23.

Hindi raw ito ang unang niyang naisip nang maghanap ng bagong pagkakaabalahan noong nagsimula ang lockdown.

"Nag-start siya I think because during the quarantine, six months din kasi 'yun, so siyempre dumating ako doon sa point na iniisip ko na parang kailangan kong maka-discover ng something new. Na-feel ko na parang naging paulit ulit 'yung mga araw ko. I wanted to do something na maka-discover ako ng bagong hobby," paliwanang niya.

Malaki naman ang pasasalamat niya sa unang nagpadala sa kanya ng halaman dahil dito nagsimula ang hilig niya sa pag-aalaga ng mga ito.

"Sumakto na someone wanted to send me a plant as a gift. Actually, matagal na 'yun pero hindi ko lang tinatanggap muna kasi hindi ko pa naman nadi-discover 'yung love ko for plants. Eventually, ginusto pala niyang ibigay sa akin so tinggap ko and then doon na nag-start. Dumami na sila nang dumami. Yes, I'm a plantita," ani Bianca.

Ibinahagi din niya ang ilan sa mga paborito niyang halaman.

"One of my favorites na I have is my very first big plant. It's actually the monstera deliciosa. Ang dami kong gusto. May monstera deliciosa, may fiddle-leaf fig na dumating noong isang araw lang. I also have my peace lily na medyo mahirap alagaan pero love na love ko pa rin siya. 'Yung aking wandering jew, purple jew, favorite ko din. Sobrang dami! I can go on and on with my plants. Love ko sila lahat," natatawang sambit ng aktres.

Samantala, kung gusto niyo rin makabonding ang inyong favorite Kapuso stars online, sumali na sa Kapuso Brigade!

Libre ito at walang kailangang bayaran. I-message lang ang Facebook, Twitter o Instagram account ng @kapusobrigade para malaman kung paano sumali.