Celebrity Life

Bea Alonzo, Gabbi Garcia, at Heart Evangelista, ipinamalas ang house tour sa kanilang vlogs

By Dianne Mariano

Ipinakita ang naggagandahang interiors ng mga bahay nina Kapuso stars Bea Alonzo, Gabbi Garcia, at Heart Evangelista sa kani-kanilang house tour vlogs sa YouTube.

Sa episode ng Unang Hirit, unang ipinakita ang tahanan ni bagong Kapuso Bea Alonzo na may simple chic na interior design.

Photo courtesy: Unang Hirit

“I feel like we should not focus on the theme that much but focus on how your home makes you feel,” ani Bea sa kanyang vlog.

Makikita din ang artsy side ni Bea dahil bawat sulok ng kanyang bahay ay mayroong iba't ibang magaganda na art pieces.

Tropical glam naman ang interior design ng bahay ni Kapuso Millennial It Girl and global endorser na si Gabbi Garcia.

Photo courtesy: Unang Hirit

Kwento ng In Real Life host sa kanyang vlog, “When we were scouting for furniture, I told my mom and dad that I wanted a dining table, the dining area, and the sofa to be extra special because parang yun yung main parts ng bahay.”

Makikita din sa kanyang house tour video na punong-puno ng white and gold details ang tahanan niya at mayroon ding bar area para sa mga bisita.

“Noong ginagawa palang ito ng mga karpintero, tinatanong ni daddy 'Sino ba nagpagawa ng bar area? Sino ba umiinom sa bahay?' but I was the one who suggested it,” nakakatuwang ibinahagi ni Gabbi.

Nagsisilbi rin bilang memorabilia para sa IRL host ang iilan sa drinks na naka-display dito.

Kakaiba naman ang organization skills ni I Left My Heart in Sorsogon actress Heart Evangelista.

Sa house vlog ni Heart, ipinakita niya ang kanyang napakagandang walk-in closet kung saan ay maayos ang pagkaka-organisa ng kanyang mga gamit.

Photo courtesy: Unang Hirit

“I like to keep all my blazers and the things that I wear for every day in this part. I just put it all together because sometimes it gets confusing,” ani Heart.

Mula sa kanyang mga damit, sunglasses at accessories, at sapatos, maayos lahat ang pagkakaayos at naka-kategorya ito.

Ibinahagi rin ng Queen of Creative Collaborations ang paborito niyang area sa kanyang walk-in closet ay ang kanyang mga sapatos.

“My favorites area [are] my shoes. I've been collecting…actually most of the stuff you see here didn't just happen overnight.”

Pinatunayan ng tatlong Kapuso stars na ang tahanan ay isang reflection ng iyong pagkatao o personality at mas nakilala sila ng mga tagahanga dahil sa kani-kanilang napakagandang bahay.

Samantala, tingnan ang mga sustainable ideas para maging eco-friendly ang iyong tahanan sa gallery na ito: