TV

Heart Evangelista, kinikilig kina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi

By Aaron Brennt Eusebio

Magkakasama ngayon sina Heart Evangelista, Kyline Alcantara, at Mavy Legaspi sa Sorsogon para sa first lock-in taping ng kanilang seryeng I Left My Heart in Sorsogon.

Sa serye, ginagampanan ni Heart si Celeste, isang socialite sa Manila na lumaki sa Sorsogon.

Si Mavy ang nakababatang kapatid ni Celeste na si Basti, samantalang gagampanan ni Kyline ang karakter ni Tiff, ang anak ng boyfriend ni Celeste.

Love team sina Kyline at Mavy sa I Left My Heart in Sorsogon, at ayon kay Heart, ang chemistry ng dalawa ay umaabot kahit tapos na ang shooting.

Sa Instagram stories, ibinahagi ni Heart ang litrato ni Mavy habang nakayakap ito kay Kyline.

Sulat ni Heart sa caption, "Bakit ako kinikilig in a very wholesome way?"

Kung si Heart ay kinilig in a "wholesome way," hindi naman napigilan ng netizens ang kanilang kilig sa bagong larawan ng #TeamDimple.

Sa post ng GMA Network, nagpaulan ng blue heart at sunflowers ang netizens sa comment section.

Excited na ba kayong makilala sina Tiff at Basti sa I Left My Heart in Sorsogon?

Tingnan ang mga larawan nila kasama ang iba pang cast sa kanilang first lock-in taping sa Sorsogon.

Mavy Legaspi admits working with Kyline Alcantara is a 'dream come true'