
Masaya ang nagbabalik-Kapuso na si Sunshine Cruz sa mga proyektong nakalinya sa kaniya sa GMA Network. Matapos bumida sa isang episode ng Wish Ko Lang kamakailan, kasado na ang bagong serye ni Sunshine kasama ang celebrity couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, ang upcoming GMA Afternoon Prime series na Stories from the Heart: Love On Air.'
Bagama't unang beses pa lang na makatrabaho ni Sunshine ang GabLil, masaya raw ang aktres sa naging samahan nila sa katatapos lang na lock-in taping ng nasabing series. Sa Instagram, ipinost ng aktres ang ilang mga larawan ng bonding moments nila ng cast.
"And just like that, it's a wrap! I had a great time with these people and I will definitely miss all of them. Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Stories From The Heart Love On Air." caption niya.
Embed:
Nagpasalamat din si Sunshine sa production crew at fellow artists na nakasama niya sa taping. Masaya raw ang aktres sa nabuo nilang samahan kahit first-time niya lang makatrabaho ang karamihan sa kanila tulad ni Kate valdez, Yasser Marta, at Kiray Celis.
"To the artists na first time ko nakatrabaho @gabbi @khalilramos @bebe_chulo_weh @valdezkate_, @itsyassermarta @impsalmsdavid & @kiraycelis who were super humble and sweet, thank you sa inyo. You made this lock in taping memorable for me. It was a privilege working with all of you. See you all again soon!" ani Sunshine.
Sa post na ito ng aktres agad naman na nagkumento ang bida ng serye na si Gabbi Garcia. "Hugs Ms Shine!!! I learned a lot from you!! You are sooo graceful and lovely! thank you!!" aniya.
Source: sunshinecruz718 (Instagram)
Abangan sina Sunshine Cruz, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Kiray Celis, Kate Valdez, at Yasser Marta si Deborah Gutierrez sa third offering ng drama anthology series na Stories from the Heart: Love On Air, malapit na sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang behind-the-scene photos sa lock-in taping ng Stories from the Heart: Love On Air':