Celebrity Life

Vilma Santos, isa na ring vlogger?

By EJ Chua

Bukod sa pagiging isang politician, abala rin sa pagiging isang vlogger ang veteran actress na si Vilma Santos.

Sa katunayan, halos sampung buwan na ang nakalipas nang magsimulang mag-vlog si Vilma.

Sa isang episode ng GMA podcast na Surprise Guest with Pia Arcanghel, ibinahagi ni Ate V ang kasalukuyan niyang mga pinagkakaabalahan sa buhay.

Isa na nga rito ang paggawa ng iba't ibang content para sa kaniyang YouTube channel.

Ayon sa tinaguriang Star for all Seasons, kapag hindi raw siya busy sa trabaho bilang isang politician ay sinusulit niya ang kaniyang oras para makipag-bonding sa kaniyang pamilya habang nagba-vlog.

Kuwento niya, “I have more time now since hindi rin naman ako nakakalabas talaga. Ang swerte ko lang na nandito rin kasi 'yung pamilya ko kaya mas may time talaga for bonding. Kaya tinuruan ako mag-vlog, bago pa lang akong vlogger. Tinuruan ako nila Lucky at ng mga anak ko, just for something to do na mae-excite ako and mae-enjoy ko, 'yun nga yung pagba-vlog… I started November pa lang. Atleast, I find it interesting…”

Dagdag pa ni Ate V, “Kasi for a while, feeling ko medyo nawalan ako ng connection sa tao especially sa fans ko kasi I concentrated more as a public servant so medyo napunta sa third priority ngayon 'yung showbiz career ko. Nabawasan ng malaki 'yung communication ko sa fans… Pero through vlog, nun ko na-realize na kahit pala sa Facebook pwede ka makipag-communicate… So, ngayon parang nabuhay na naman 'yung communication ko with my fans.”

Ibinahagi rin ni Ate V na mga pamangkin at pamilya niya lang daw ang nasa likod ng mga camera tuwing siya ay nagba-vlog.

Ilan sa mga content na matatagpuan sa kaniyang YouTube channel ay “Ate Day with Ate V,” travel at cooking vlogs, challenges kasama ang kaniyang pamilya, quick tour sa kanilang farm, zumba sessions, at marami pang iba.

SAMANTALA, KILALANIN ANG PINOY CELEBRITIES NA MAY YOUTUBE CHANNELS SA GALLERY NA ITO: