Celebrity Life

“I love her so much!” - Alden Richards on Caridad Sanchez


Kapag binabanggit ang pangalan ng veteran actress na si Caridad Sanchez, hindi maiwasang mapangiti ng Kapuso hunk na si Alden Richards.

Matagal na kasi niyang kilala ang veteran actress at natutuwa siya kapag naririnig ang pangalan ng kanyang Tita Caridad.

Nakapanayam ng GMANetwork.com ang actor at nagkwento siya tungkol sa personal niyang relasyon sa veteran actress.

“My God! I love her so much!” bungad ni Alden.

Nami-miss niya na raw ang veteran actress dahil hindi na sila madalas magkita. Naging magkatrabaho sila sa One True Love at simula noon ay naging close na sila.

“Sobrang miss ko na siya! After One True Love, wala na kaming chance magkita. We just call each other,” sabi niya.

Natutuwa si Alden na sa bawat show na nakukuha niya sa GMA, nakakasundo niya kaagad ang veterans kaya naman lalo pa siyang nag-i-improve sa tulong nila. Marami kasing ibinabahagi sa kanya na lubos na nakakatulong sa kanyang pag-arte.

“Ang nakakatuwa kasi sa projects na ginagawa ko meron akong mentor. ‘Yung mga senior artists talaga they lend me a helping hand. So iyan ‘yung sa isa sa mga name-miss ko kay Tita Caridad.”

Importante kay Alden ang feedback ng veteran actress kaya naman kinokontak niya pa rin ito kahit na hindi sila magkatrabaho. Humihingi rin siya ng advice sa lahat ng aspekto ng buhay.

“Hindi niya ako binibigyan ng feedback na gusto kong marinig. She gives me the feedback kung ano ang nakikita niya talaga. I thank her for that, parang I’m her unofficial grandson. Kapag nasa set, kapag we’re doing scenes, acting coach ko si Tita Caridad,” pagbahagi niya.

Isinasapuso ni Alden ang lahat ng sabihin ng veteran actress. Ganoon ito kahalaga para sa actor.

“’Yung advice niya is a very big deal for me. She has the most experienced doon sa nakikilala kong mentors,” aniya.

Sabi niya, kung may advice man siya na tini-treasure sa lahat ng naging advice ng veteran actress, ito ay ang pagiging better person: Huwag tingnan na kakompetensiya ang co-actors niya pero ang sarili niya mismo ang kanyang dapat pagtuunan ng pansin.

“Your competition is with yourself not with anyone else. Hindi ‘yong co-actors mo.  Always on you, always on yourself,” pagdiin niya.

Kaya naman ganoon na lang ang kanyang pagpupursige na mas pagalingin ang kanyang pag-arte. Ayaw niya maging pare-pareho lang ang kanyang acting. Dapat daw meron siyang laging bagong ipapakita.

“Yun ‘yung tumatak sa akin. Kaya every project I see to it na I reinvent myself. Binabago ko lahat sa character. I don’t let anything na sabihin same acting na naman.”

Dagdag pa niya, “I’m really passionate about this work, about this job. As much as possible, I want to bring out the best in this field that I’m doing.”
Nagawa niya raw ang lahat ng ito sa tulong ng veteran actress kaya naman lubos ang pasasalamat niya.

“Si Tita Caridad ‘yung isa sa mga nag-trigger sa akin na always be the better version of yourself everyday,” sabi niya.

Ano ang naging feedback ng taong pinahahalagahan niya sa kanyang show ngayon na Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw?

“Nagagandahan siya sa story. Sabi niya ipagpatuloy ko lang daw ‘yung ginagawa ko. Si Tita Caridad pag wala siyang nakikitang flaw, hindi naman siya nagre-react kaagad. If something went wrong, she tells me,” ani Alden.

Hindi siya tumitigil na hingan ng feedback ang veteran actress sa bawat eksena niya, kasi dito niya raw nalalaman kung ano pa ang mga dapat niyang ibigay sa palabas. At ang mga pwede niya pang pagbutihin.

Ano naman ang mensahe niya para sa kanyang Tita Caridad?

“Tita, miss na kita (nang) sobra. Thank you for always looking after me. I always follow your advice wherever I go. You know better and I trust you with my heart. See you soon! Miss you so much, Tita Caridad! I love you!” ang madamdamin niyang pahayag.

Panoorin si Alden Richards bilang si Yago sa Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong ibabaw gabi-gabi sa GMA. Para sa latest kay Alden, bumisita lagi sa
www.gmanetwork.com.

-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com