Celebrity Life

Rodjun Cruz’s tips for a summer-ready body


Isa si Rodjun Cruz sa mga Kapuso actors na hinahangaan sa pagkakaroon ng magandang pangangatawan. Ano nga ba ang kanyang ginagawa upang mapanatili ito?

“Ang secret ko, ‘yung iba kasi ang ginagawa nila mag-gym lang sila for summer para lang magkaroon ng magandang body. Pero ako, lifestyle na talaga,” kuwento ni Rodjun.

2010 nang magsimula sa pagwo-workout si Rodjun. Ang workout routine niya ay ginagawa niya three times a week. Bukod dun, nag-control din umano siya sa food. “Talagang diet din ako sa food so anytime ready ako for summer,” saad ng aktor.

Halos lahat ng nahihilig sa healthy lifestyle at pagwo-workout ay may ‘fitspiration’. Sino nga ba ang itinuturing na ‘fitspiration’ ni Rodjun?

“’Fitspiration’ ko ‘yung Rodjun Cruz. ‘Di joke lang!,” natatawang sagot niya.

Ibinahagi ni Rodjun na iniidolo niya ang mga nakikita niya sa mga pelikula. “Yung idol ko sila Brad Pitt. Kasi nai-inspire ako kapag nakakapanood ako ng mga movies na ang gaganda ng katawan nila. Dream ko na kapag nakagawa din ako ng movie na parang mga 300 or Troy,” pahayag ni Rodjun.

Sa mga nais naman na magkaroon ng magandang katawan, may advice ang hunk actor.

“Ang advice ko sa kanila na kapag nag-decide na sila na mag-gym talaga or mag-workout sana ituloy tuloy nila. Hindi lang ‘yung para sa summer or gusto nila gumanda ‘yung katawan nila para sa event na ito. Sana ituloy tuloy nila kasi bukod sa magiging maganda ang body nila, magiging healthy din sila”.

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com