
Masayang nagdaos ng kaniyang kaarawan kahapon August 1, ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio kasama ang kaniyang rumored girlfirend at on screen partner na si Elle Villanueva.
Sa Instagram, ibinahagi ni Derrick na ngayon na lamang siya nakapag-celebrate ng kaniyang birthday kasama ang kaniyang pamilya at malalapit na kaibigan.
Sa isang private resort sa Nasugbu, Batangas, napili ni Derrick na idaos ang kaniyang 28th birthday.
“I rarely celebrate and throw a party but I found the perfect spot for my birthday celebration in Nasugbu.
“Feeling overwhelmed for I was surrounded by the closest people that I love so much. I'm thankul for each and everyone who came and all the people who organized this for me,” anang aktor.
Makikita sa post ni Derrick ang pag-eenjoy niya sa kaniyang birthday celebration kasama ang mga kaibigan at ang aktres na si Elle.
SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA DERRICK AT ELLE DITO:
Sa dulo ng kaniyang video, makikita na nakayakap pa si Elle kay Derrick habang pinapanood ang fireworks display na inihanda bilang birthday surprise sa aktor.
Idinaan naman sa isang Instagram story ni Elle ang birthday message niya kay Derrick, “Happy birthday dd,” caption ng aktres.
Samantala, muli namang magtatambal sina Derrick at Elle sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Makiling.
Unang nagtambal sina Derrick at Elle sa Kapuso sexy drama na Return To Paradise kung saan unang nasaksihan ang kanilang kilig chemistry.
Abangan ang iba pang updates sa Makiling sa lahat ng social media accounts ng GMA o magtungo sa GMANetwork.com.