advertisement
Celebrity Life

A TIMELINE: The Winwyn Marquez-Mark Herras relationship

1 of 15

Beginnings

Unang nagkakilala sina Winwyn Marquez at Mark Herras sa set ng 'Party Pilipinas'. Sa kanilang YouTube vlog, inamin ni Winwyn na hindi niya type noon si Mark dahil mukhang mayabang daw ito.

2 of 15

Dating

Noong 2015, nagkatrabaho ang dalawa sa 'Little Nanay' kung saan nagsimula silang ma-link sa isa't isa.

3 of 15

Daughter

Inamin ni Mark na isinilang noong 2013 ang unica hija niyang si Ada na anak niya sa dating personal assistant na si Diane Evangelista. Tanggap naman ito ni Winwyn, ani ni Winwyn sa isang 'Tunay na Buhay' interview, "Now that he has a daughter, I think she has changed him. It makes him more responsible."

advertisement
4 of 15

Support

Todo suporta lagi si Mark sa kaniyang beauty queen-girlfriend na nagwaging Reina Hispanoamericana 2017.

5 of 15

Hobbies

Isa sa mga hilig gawin ng dalawa ay kumain at manood ng movies.

6 of 15

Protective

Protective man ang ama ni Winwyn na si Joey Marquez at kapatid niyang si Vitto Marquez ay hindi naman nila tinutulan ang kalayaan ni Winwyn na makipag-relasyon kay Mark.

advertisement
7 of 15

Inspiration

Kuwento ni Mark sa 'Chikaminute', si Winwyn daw ang nagsisilbing inspirasyon niya sa trabaho, “Si Wyn ang nagpu-push sa akin, lalo na sa mga mas magagandang bagay na puwedeng gawin. Siya ang tumutulong sa akin. Mas pinu-push niya ako to do the things na kailangan ko sa buhay.”

8 of 15

Travel

Mahilig din mag-travel ang dalawa sa iba't ibang beach locations at sa Japan.

9 of 15

Goals

Sabay na nagsumikap ang dalawa na maabot ang mga pangarap nila, sabi ni Mark sa 'Chikaminute', “Marami akong inayos sa buhay ko, for Wyn and also, magti-thirty na ako this year. Ayoko namang may masabi 'yung mga tao. Kapag tinignan niyo kasi si Wyn, matalino, nakapagtapos, ngayon ay nagma-Masters pa. Tapos may business rin. She's almost perfect. Ayokong masabi ng mga tao na hindi ako karapat-dapat kay Wyn.”

advertisement
10 of 15

Rumored engagement

Noong 2018 ay napabalitang nagpa-plano na magpakasal ang dalawa na parehas nilang itinanggi. Noong 2017 pa inamin ng dalawa na napaguusapan na rin nila ang kasal.

11 of 15

'Magpakailanman'

Naging magkatrabaho ang dalawa sa 'Magpakailanman: Our Miracle Baby' episode.

12 of 15

No third party

Hindi raw naging isyu ang third party sa kanilang relasyon.

advertisement
13 of 15

Holidays

Nitong nakaraang pasko at New Year 2019 ay sweet pa ang dalawa sa kanilang Instagram posts.

14 of 15

King and Queen

Itinuturing ni Mark na reyna ng buhay niya si Winwyn na laging nagbibigay motivation sa kaniya, habang si Mark ang forever King of the Dancefloor at ng puso ni Winwyn.

15 of 15

Mutual decision

Laking gulat ng lahat ng aminin ni Winwyn noong press con ng kaniyang upcoming film na 'Time & Again' na hiwalay na sila ni Mark. Ani ni Winwyn, magkaibigan pa rin daw sila at mutual decision ang kanilang breakup.

advertisement