Celebrity Life

Kris Bernal, nainggit sa StarStruck batch 1 reunion


Alam ng StarStruck alumna na si Kris Bernal ang kahalaghan ng paghawak sa pera at kahit malaki ang kita sa showbiz, hindi pinagsasawalang bahala ito ng dalaga. Kaya naiisip na din nito ang magtayo ng sariling negosyo.

Kuwento ni Kris sa GMANetwork.com iniisip pa niya kung anong klase ng negosyo ang gusto niyang pasukin, “May ganon akong plans, pero hindi ko pa masabi kung ano talaga 'yung hilig ko. Kailangan kasi pag nagbusiness ka 'yung hilig mo din, 'yung gusto mo din talaga,” saad ng dalaga.

Habang hindi pa sya desidido kung anong business ang papasukin niya, tumutulong muna siya sa kanilang family business.

"So the reason why we travel is because namimili rin kami ng mga bags, that we'll sell it dito sa Pinas. Isa 'yun sa mga business namin. Pero hindi pa siya malago, hindi pa siya masyadong malaki. Tinutulungan ko din sister ko dun. Para lang mayroon lang ako beginner's experience.” saad ng dalaga.
 
Kamakailan napanood sa Basta Everyday Happy ang reunion ng StarStruck batch 1, kaya naman hindi maiwasaan ni Kris na maiingit at sana daw magkaroon din sila ng reunion ng kanyang batchmates sa StarStruck. Dagdag pa nito gusto niya makita ang mga naging close niya sa StarStruck na sina Stef Prescott at Jesi Corcuera.

“Oo, naiingit nga ako. Kasi napanood ko 'yung Basta Everyday Happy sabi ko nakakainggit din 'yun, tapos sana hanggang Top 20 or 30 sa batch namin”.

For more updates about Kris Bernal, keep visiting www.gmanetwork.com. --Text by Aedrianne Acar, Photo by Elisa Aquino