Celebrity Life

The different faces of Lauren Young

By ANN CHARMAINE AQUINO

Sa una pa lamang ay kinakitaan na si Lauren Young ng husay sa pag-arte, kaya iba’t-ibang mga programa ang ipinagkatiwala sa kanya mula ng pumasok siya bilang isang Kapuso actress.

Muli nating balikan ang mga karakter ni Lauren na nagmarka sa mga manonood.

Mundo Mo’y Akin



Noong 2012, gumanap si Lauren bilang Darlene sa Mundo Mo’y Akin. Dito unang ipinakita ni Lauren ang kanyang galing sa kanyang kauna-unahang pagganap bilang isang kontrabida.

Kuwento ni Lauren, hindi ito ordinary na kontrabida role. Aniya, “gagawa lang siya ng masama because she can. Lahat ng mga ginagawa niya, she does it because she has reasons. She acts the way she acts kasi nasasaktan siya”.

Dagdag ni Lauren, “I'm very excited to show people na hindi lang puro pagpapaawa 'yung kaya kong gawin. It's another side of me. At the same time, kung ma-label lang ako as a bida or a kontrabida, I want people to appreciate my acting skills.”

Dormitoryo



Ang programang Dormitoryo naman ay ang suspense-thriller-drama na ginawa ng GMA last 2013. Dito, ibang Lauren muli ang ipinakita ng aktres sa karakter niyang si Hazel.

“[Ang karakter ko] po ang bagong dating sa dorm and for some reasons, attracted na attracted siya sa isang babae, si WynWyn [Marquez], kung bakit siya namatay”, saad ni Lauren.

Pagpapatuloy niya, “’yun ang hindi natin alam at ang maganda rin po kasi, hindi natin alam, parang ang daming puwedeng mangyari. We don’t know if she kills herself. If accident or pinatay siya. So, maraming mga loopholes and endless possibilities”.

Paraiso Ko’y Ikaw



Maganda ang naging simula nang 2014 kay Lauren dahil sa kanyang bagong karakter na Teresa sa Paraiso Ko’y Ikaw. Si Teresa ang isa sa mga importanteng roles para sa mapagtagpi ang buhay nina Josephine (Kim Rodriguez) at Tupe (Kristofer Martin).

Si Lauren ay gumanap na kaibigan nina Yvette (Yassi Pressman) at Regina (Ashley Nordstrom). Silang tatlo ay iibig sa isang lalaki na si Edward (Jeric Gonzales). Magkakaroon sila ng anak, at ito si Josephine.

Overtime



Ngayong July 2, magbibida si Lauren sa pelikulang handog na GMA Films. Sa Overtime, gaganap si Lauren bilang Jody Amistoso, isang executive assistant sa Hunterton Pharmaceuticals. Sa pelikula, magkukrus ang landas nila ni Dom (Richard Gutierrez).

Sa isang exclusive interview, ipinahayag ng Overtime director na si Wincy Ong ang kanyang paghanga sa aktres at kanyang co-star na si Richard Gutierrez.

“Actually unang na-cast si Lauren tapos they gave me Richard (Gutierrez). Tapos sabi ko, wow! Perfect! Si Richard kasi I've always wanted to work with Richard nga. Naisip ko na parang 'yung dynamics ng dalawa. They are really good characters and actors,” pahayag ni Direk Wincy.

See more at “I’ve always been a fan of Lauren Young”- Direk Wincy Ong of Overtime http://www.gmanetwork.com/films/articles/2014-05-13/79/Ive-always-been-a-fan-of-Lauren-Young-Direk-Wincy-Ong-of-Overtime

Papuri rin ang nakuha ni Lauren mula sa kanyang leading man na si Richard Gutierrez.

“She's a very good actress. She’s very natural, and she's very professional,” saad ng aktor sa isang panayam.

Abangan kung paano gagampanan ni Lauren Young ang kanyang karakter na Jody sa Overtime on July 2.