GMA Logo Kim Chiu and Kris Aquino
source: chinitaprincess/IG
Celebrity Life

Kim Chiu, masayang mabisita si Kris Aquino sa U.S.

By Kristian Eric Javier
Published October 23, 2023 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MMDA eyes uniform truck ban hours, opening of private roads to ease traffic
DOLE 7 commends driver who rescued 6 in Liloan, Cebu
Marian Rivera's new bag charm is from an Italian fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Chiu and Kris Aquino


Masaya si Kim Chiu sa unti-unting pagganda ng kalagayan ni Kris Aquino.

“Always together never apart. Maybe in distance, but never in heart.” Sa ganitong paraan sinimulan ni Chinita Princess Kim Chiu ang kaniyang post nang magkita sila ni Queen of All Media Kris Aquino US kamakailan lang.

“I am super happy to be reunited with my ate @krisaquino… Seeing you after so many years makes my heart [happy] I am happy to see you in good shape and good health, praying na magtuloy tuloy na,” post ni Kim sa kaniyang Instagram page.

Dagdag pa ni Kim, bukod kay Kris mismo ay na-miss din nito ang kanilang chikahan at tawanan, at sinabing masaya ito na nagkaroon sila ng oras na magkasama “kahit sandali lang.”

“Next time longer na with matching sleep over,” dagdag nito.

Ibinahagi rin ni Kim kung gaano siya kasaya na makita ang anak ni Kris na si Josh, at sinabing sana sa susunod na pagkikita nila ay makita rin niya ang ikalawang anak nito na si Bimby.

“I love you so much ate!!!... praying for good health and fast recovery… missed you so much ate,” pagtatapos nito sa kaniyang post.

SAMANTALA, BALIKAN ANG TIMELINE NG HEALTH SCARES NI KRIS AQUINO RITO:

Samantala, nagpahatid din ng pasasalamat si Kim kay Vice Governor Mark Leviste para sa mga ginawa nito para magkita sila uli. Nagbigay rin ng pasasalamat ang Chinita Princess sa mga duktor ng batikang TV host at aktres sa pag-aalaga ng mga ito sa kaniya.

Sa comments section ay nagpasalamat si Mark kay Kim sa pagbisita nito kahit pa hectic ang schedule, at tinawag siyang “the sweetest” dahil dito.

“Kahit huling araw mo sa LA…kung kelan pauwi ka na sa… nagawan mo ng paraan na makabisita kay @krisaquino , and you even had to take an #uber just to see her… God bless you always, KCA…Kim Chiu Aquino! #panganay,” sulat nito.

Kailan lang ay nag-post si Kris sa kaniyang Instagram page ng video ng pagbisita sa kaniya ni Kim. Sa caption ay nagpasalamat siya para sa pagiging rainbow nito kahit pa “gloomy” umano ang araw na iyon para sa kanya.

“All I can say is I love you, I super appreciate your effort to visit,” sulat ni Kris.

Kasalukuyang nasa U.S. si Kris para magpagaling para sa kaniyang autoimmune conditions.

Basahin ang buong post ni Kim dito:

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)