GMA Logo Kris Aquino and Kim Chiu
What's Hot

Kim Chiu, may mensahe kay Mark Leviste at Kris Aquino

By Kristian Eric Javier
Published October 19, 2023 7:31 AM PHT
Updated October 19, 2023 9:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Opposition solons urge Marcos to certify anti-dynasty bill as urgent
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Aquino and Kim Chiu


Isang reunion ang naganap sa pagitan ni Kris Aquino at Kim Chiu sa Amerika. Sa Instagram, nag-iwan ng mensahe ang Chinita Princess kay Kris at Mark.

Masaya ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanilang surprise reunion ni Chinita Princess Kim Chiu nang bisitahin siya nito sa US kamakailan lang.

Sa video na pinost ni Kris sa kaniyang Instagram account, makikitang sinorpresa ni Kim ang host at aktres na kasalukuyang nagpapagamot at nagpapagaling sa US para sa kaniyang autoimmune conditions.

“All I can say is I love you, I super appreciate your effort to visit,” sulat ni Kris sa caption ng kaniyang video.

Dagdag pa nito, “Even if it was a gloomy day, you were the much-needed reminder that after all the storms, we can look forward to a RAINBOW.”

Ibinahagi rin ni Kris kung paano nabawasan ang sakit ng kaniyang biological injection sa parehong araw matapos makita si Kim, at tinanong pa ito kung puwedeng mas dalasan pa ang pagbisita sa kanya.

“Thank you for until now (16 years & counting) genuinely caring for & trusting me,” sabi nito.

Dagdag pa ni Kris ay malungkot ang ka-birthday ni Kim na si Bimby dahil dumating ito 10 minutes matapos maka-alis ng aktres.

BALIKAN ANG TIMELINE NG HEALTH SCARE NI KRIS SA GALLERY NA ITO:

Ibinahagi naman ni Kris na si Vice Governor Mark Leviste ang videogrpaher at kumontak sa ate ni Kim para makabisita ito sa kanya. Dito, inamin ng aktres-host na natuto na sila ni Mark sa kanilang pagkakamali at ipinahayag ang kahilingan nag magtuloy-tuloy na ang kanilang “harmonious and supportive relationship.”

Nag-iwan din si Kris ng mensahe para kay Biimby, “Thank you Bimb for helping us realize all the things we needed to repair in order to strengthen our commitment.”

Nagpasalamat din si Kris sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagdadasal para sa pagbuti ng kaniyang lagay, at nagbigay ng konting update tungkol dito.

“Slowly gumaganda my numbers. That's because of the power of our collective prayers. God's rewarding our #faith,” sabi nito.

Dagdag pa ni Kris, “Roughly 15 more months of treatment, but i'm alive and hopeful; tuloy ang LABAN, bawal sumuko. #grateful.”

Isang post na ibinahagi ni Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Sinagot naman ni Kim ang post ni Kris at nag-iwan ng mensahe para sa kanyang ate at kay Mark. "Thank you so much to sir @markleviste for reaching out. Super happy ako.💗 happy ako to talk and see you ate after so many years. Love u ate.💗 @krisaquino."

Nag-reply din si Mark sa comment ni Kim at tinawag pa siyang KCA - Kim Chiu Aquino.