Celebrity Life

Yasmien Kurdi, may natutuhan sa pagpapa-renovate ng bahay

By EJ Chua

Bukod sa pagte-taping para sa ongoing afternoon series na The Missing Husband, abala rin ang isa sa lead stars nito na si Yasmien Kurdi sa kanyang personal na buhay.

Kasalukuyang nagpapa-renovate ng bahay si Yasmien at ang kanyang pamilya.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng award-winning actress ang ilang update tungkol sa pagpapaayos nila ng kanilang bahay ng asawa niyang si Rey Soldevilla, Jr. at kanilang anak na si Ayesha.

Masayang ipinasilip ng Kapuso star ang loob ng kanilang bahay. Binanggit at ipinakilala rin ng aktres ang ilang tumulong at tumutulong sa kanila sa kanilang pinagkakaabalahan ngayon.

Ayon kay Yasmien, kasalukuyan muna silang nagrerenta ng bahay upang mayroong pansamantalang matuluyan habang hinihintay na matapos ang major renovation ng kanilang tahanan.

Sa ilang parte ng vlog, ibinahagi ni Yasmien ang natutuhan niya nang magsimula silang magpa-renovate ng bahay.

Ayon sa Kapuso actress, “Hindi madali magpa-renovate ng bahay. Teamwork talaga ang kailangan pero laban lang.”

Panoorin ang kanyang bagong vlog:

Napapanood si Yasmien bilang si Millie sa 2023 action suspense drama series na The Missing Husband.

Patuloy na subaybayan ang istorya ng The Missing Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.