Celebrity Life

Kiray Celis, may paalala sa mga taong mahilig manira

By EJ Chua

May gentle reminder ang comedienne-actress at former child star na si Kiray Celis sa mga taong mahilig manira ng buhay ng iba.

Sa Instagram account ni Kiray, makikita ang kanyang post kung saan ibinahagi niya ang kanyang mga larawan habang siya ay nasa isang beach.

Kasama ng mga larawang ito ay ang kanyang caption na tila mayroong mabigat na kahulugan para sa kanya.

Mababasa sa kanyang post ang isang paalala para sa publiko kabilang na rin ang kanyang followers at fans.

Ayon sa caption ng comedienne-actress, “Lahat tayo may karapatan magsalita. Pero hindi lahat may karapatan manira.”

Sa comments section ng naturang post sa Instagram, mababasa na labis na sumang-ayon ang netizens sa sinabi ni Kiray.

Maraming beses nang nagsilbing inspirasyon si Kiray sa ilang netizens.

Kapansin-pansin na masaya ang comedienne-actress sa buhay at mga bagay na mayroon siya ngayon.

Karamihan sa posts ni Kiray sa social media ay patungkol sa kanyang mga naabot na pangarap at goals, istorya tungkol sa kanyang love life, at ilang sorpresa niya para sa kanyang mga magulang.

Samantala, sa isang panayam, ibinahagi ni Kiray na tatlong taong gulang pa lamang siya nang una siyang lumabas sa telebisyon.