
Bumisita kamakailan ang actress at singer na si Angeline Quinto sa tinuturing niyang ate na si Queen of All Media Kris Aquino, habang nagpapagaling ang huli sa US.
Sa post ni Angeline sa kaniyang Facebook page, sinabi ng singer na na-miss at love niya ang kaniyang ate Kris, bago nag-iwan ng maiksing mensahe para sa kaniya.
“Ang tagal na kitang gustong puntahan sa U.S. at finally nagkita na ulit tayo. Get well soon, ate Kris. 'Pag nakabalik kami dyan, lagi ka naming pupuntahan,” sulat nito sa caption ng kaniyang post.
Nagpasalamat din siya sa mga anak ni Kris na sina Josh at Bimby at ganun din kay Batangas Vice Governor Mark Leviste.
Samantala, sa post naman ni Kris sa kaniyang Instagram account ay pinasalamatan niya si Angeline sa pagbisita nito.
“It's a great feeling to reminisce. That's the good thing about the past, you get to choose which memories to bring with you…” saad ng actress-TV host sa caption ng kaniyang post.
BALIKAN ANG TIMELINE NG HEALTH SCARES NI KRIS SA GALLERY NA ITO:
Hindi ito ang unang beses na may bumisitang malapit na kaibigan si Kris sa US dahil kamakailan lang ay pinuntahan siya ng batikang host at matalik na kaibigan na si Boy Abunda. Sa Instagram post ng Queen of All Media, inamin niyang “heartwarming” ang naging reunion nila.
Kuwento ni Kris, “Boy freaked because I needed a shot while he was here. And he really hates needles. Nagkuwento pa lang ako ng pinagdadaanan kong mga treatment at 'yung at least 18 pieces of vitamins, supplements, as well as medicine to help prevent my migraines and protect my liver because of my chemotherapy and of course my antihistamines.”
Binisita rin siya ng It's Showtime host na si Kim Chiu at ibinahagi ng Chinita Princess kung gaano rin siya kasayang mabisita ang kaniyang Ate Kris.
“I am super happy to be reunited with my ate @krisaquino… Seeing you after so many years makes my heart [happy] I am happy to see you in good shape and good health, praying na magtuloy tuloy na,” post ni Kim sa kaniyang Instagram page.
Kasalukuyang nasa U.S. si Kris para magpagaling para sa kaniyang autoimmune conditions.