Celebrity Life

Yasmien Kurdi reacts to viral PhP299 engagement ring issue

By EJ Chua

Napa-react ang aktres na si Yasmien Kurdi sa viral ngayon sa social media na isang post tungkol sa PhP299 engagement ring.

Para kay Yasmien, medyo OA ito dahil siya mismo ay walang engagement ring at hindi rin nila naisusuot na mag-asawa ang kanilang wedding ring.

Suhestiyon ng former The Missing Husband actress, dapat ay i-invest na lang ang pera sa lupa at bahay para hindi mahirapan sa pagbabayad sa renta.

Pahayag niya sa kanyang latest Facebook post, “P299 na ring issue… medyo OA.”

“Ako nga wala naman ako engagement ring, tapos wedding rings namin 'di naman naisusuot kasi 'di kami sanay.Kasal namin 20k lang (2012),” pagbabahagi niya.

Suhestiyon at payo ng Kapuso actress, “In my opinion, i-invest niyo nalang pera niyo sa lupa at bahay. Para di kayo mamulubi sa renta at di puro porma. Laking tipid ng hindi nag rerenta ng bahay.”

Sinabi rin niya na kahit mura ang mga gamit ay nagmumukhang mahal kung pinagmamalaking sinusuot.

Sabi pa niya, “Ang material na bagay nadadala lang yan. Minsan nagmumukhang mahal kapag proud mo siya suotin. Minsan naman ang mahal ng suot ng isang tao, pero di naman mukhang mahal. Di ko din alam kung bakit.”

Sa comments section ng post ng aktres, mababasa na maraming sumang-ayon sa kanyang naging pahayag at reaksyon tungkol sa isyu.

Si Yasmien ay happily married sa kanyang non-showbiz partner na si Rey Soldevilla.

Ang panganay na anak nila ay si Ayesha Zara at waiting naman ang couple sa kanilang upcoming second baby na kasalukuyang ipinagbubuntis ni Yasmien.