Kilalanin ang mga artistang nanggaling sa magkaparehong school sa gallery na ito!
Sa exclusive interview kay Juancho Trivino, nabanggit niyang naging magkaklase sila ni Alden Richards sa De La Salle University - Laguna Campus. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa 2017 GMA series na 'Destined To Be Yours.'
Proud Benildean naman si Maine Mendoza gaya na lang ng Young sisters na sina Megan and Lauren.
Parehong mula sa Ateneo De Manila University ang 'Legally Blind' co-stars na sina Mikael Daez at Janine Gutierrez.
Unang nagkakilala sina Iya Villania at Drew Arellano sa set ng youth-oriented show na 'Click,' pareho rin silang graduate ng De La Salle University-Manila. Ikinasal sila noong January 31, 2014 at nabiyayaan ng three adorable kids na sina Antonio Primo, Alonzo Leon, at Alana Lauren.
Classmates and close friends from St. Paul College Pasig sina Gabbi Garcia at Julia Barretto kaya't walang network wars sa pagitan nila.
Busy man sina Mikee Quintos at Adrian Pascual sa kanilang showbiz career, 'di pa rin nila napapabayaan ang kanilang studies sa University of Santo Tomas.
Nag-bonding sina Heart Evangelista at Lovi Poe over the fact na pareho silang graduate ng Colegio San Agustin - Makati.
Alumni ng De La Salle University - Dasmariñas si Marian Rivera habang kasalukuyan namang nag-aaral doon si Miguel Tanfelix.
Parehong graduate ng Far Eastern University ang mga komedyanteng sina Aiai Delas Alas at Vice Ganda.
Sa University of the Philippines-Diliman naman nag-aral sina Ramon Bautista at Kuya Kim Atienza na parehong nagtapos ng kursong BA Film and Visual Communication.
May degree naman sa English Literature mula sa Ateneo ang mga female stars na sina Kris Aquino, Nikki Gil at Rica Peralejo.
Parehong alumni ng De La Salle University sina Ryan Agoncillo at Mariel Rodriguez. Pareho din sila ng kursong kinuha--Organizational Communication.
Proud UST alumni sina Piolo Pascual at Charlene Gonzalez. They served as the models for UST's QuattroMondial monument.
Powerhouse performers Julie Anne San Jose and Sarah Geronimo both graduated from Angelicum College.
Maraming pinagkapareho sina Ken Chan at Rita Daniela gaya ng pareho silang graduate ng De La Salle University-College of Saint Benilde (CSB).
Parehong graduate ng College of Fine Arts and Design sa UST sina Jao Mapa at Ice Seguerra.
Nagtapos sa Institute of Tourism and Hospitality Management sa UST sina Allyzon Lualhati at Alma Concepcion.
UST graduates ng Faculty of Medicine and Surgery sina Maricar Reyes at Nonoy Zuñiga.
Proud graduate ng University of the Philippines Open University (UPOU) ang celebrity twins na sina Joj at Jai Agpangan. Matatandaang sumikat ang dalawa nang sumali sa reality TV show na 'Pinoy Big Brother.' Nagtapos ang dalawa sa kursong Education.
Tulad ng Agpangan twins, magkasama rin sa eskwela ang kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi. Noong June 2019, nagtapos ang dalawa sa Senior High School sa Reedley International School.
Pareho namang University of the Philippines-Diliman alumni ang award-winning journalists na sina Atom Araullo at Kara David. Nagtapos si Atom sa kursong Applied Physics, samantalang nagtapos naman si Kara sa kursong Broadcast Communication.