GMA Logo Mikee Quintos
Celebrity Life

Mikee Quintos, ipinakita ang dedikasyon sa pag-aaral

By Kristian Eric Javier
Published April 17, 2024 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Paano nga ba si Mikee Quintos bilang isang estudyante?

Hindi biro para sa isang celebrity ang pagsabayin ang career at pag-aaral. Kaya naman, masaya ang Kapuso star na si Mikee Quintos na malapit na siyang matapos sa kurso niyang architecture.

Ilang beses na rin ipinakita ng aktres ang kaniyang dedikasyon sa pag-aaral, kabilang na ang pagdala ng school work sa tapings.

Sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast, ikinuwento ni Mikee ang isang pangyayari na nagpakita ng kaniyang dedikasyon sa pag-aaral.

Bilang isang architecture student, isa sa mga kailangan gawin ng aktres ay plates, o blueprints ng mga bahay o gusali.

Pagbabahagi ng aktres, meron siyang table sa bahay kung saan siya gumagawa ng kaniyang plates, at meron din siyang portable version nito na dinadala niya sa tapings.

“May time nung 'Encantadia,' nanonood pa ako ng Enca, tapos di ba ang tracing paper 'pag nabasa ng konti kumukulubot siyang ganun? Kasi manipis lang ang tracing paper eh. Para makita mo nga 'yung nasa ilalim,” sabi niya.

Ayon kay Mikee, gumagawa siya noon ng floor plans na kailangan niyang ipasa kinabukasan. Tinawag siya para mag-shoot ng fight scenes ngunit dahil sa gubat shinoot ang eksena, napilitan silang itigil ito nang biglang umulan.

“Pagbalik ko ng tent Kuya Nelson, 'yung nagiisang butas ng tent diretso doon sa mga tracing paper ko. As in iyak ako!” sabi niya.

Pagpapatuloy ng aktres, “Tapos okay, pause, process, send akong picture sa prof ko ngayon. 'Sir, nabasa yung plates ko,' ganiyan ganiyan. 'Nasa set ako.' Nakita naman niya. Binigyan niya ako ng 3 days extension sa pasahan. Para ulitin lahat.”

Simula noon, natuto na umano si Mikee na mag-tape ng plastic sa isang side ng portable drawing table niya. Ginagamit niya ito pantakip “para kahit tapunan mo ng tubig, safe ang mga papel ko.”

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGTAPOS NA NG KOLEHIYO HABANG NAGTATRABAHO SA GALLERY NA ITO:

Ayon kay Mikee, ang dedikasyon niya sa pag-aaral ay nanggaling sa usapan nila ng kaniyang daddy. Kuwento ng aktres, ayaw sana siya payagan nito makasama sa Encantadia noon.

“Tapos mom ko 'yung nakakaintindi, doon sa want ko na this is a rare opportunity. 'Bakit mo pipigilan 'yung anak mo?' Parang may ganun si Mom din, na supported me kasi alam niya gaano ko kagusto,” sabi niya.

“Tapos pumayag si Dad pero sabi niya, pero hindi ka titigil mag-aral, tapusin mo 'yan. Iyon 'yung deal,” ani Mikee.

Pakinggan ang buong interview ni Mikee dito: