GMA Logo Mikee Quintos
What's Hot

Mikee Quintos, mas napaghihiwalay ang pag-aaral at pag-aartista bago ang quarantine

By Marah Ruiz
Published June 24, 2020 5:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Mas madali daw para kay Mikee Quintos na paghiwalayin ang kanyang buhay artista at buhay estudyante bago ang quarantine.

Minsan nang kinuwestiyon ni Kapuso actress Mikee Quintos ang sarili kung nais pa ba niyang pagsabayin ang pag-aartista at ang pag-aaral.

Aminado si Mikee na mas madali para sa kanya na paghiwalayin ang dalawang parteng ito ng kanyang buhay bago ang quarantine.

Malaking bahagi daw kasi nito ang pagpasok niya sa eskuwelahan.

"Mas madali siya for me before ECQ (enhanced community quarantine) kasi madali kong napapasok 'yung sarili ko sa student mode 'pag nasa school ako. Pumapasok talaga ko sa UST. I'm studying architecture," kuwento niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Mas nakaka-focus daw kasi siya dito at mas madaling nahahati ang kanyang oras.

"I make it a point na 'pag nandoon ako sa classroom, as much as possible, sobrang concentrate ako and focused ako. Kasi iniisip ko 'pag hindi ako nag-focus, pahihirapan ko lang ang sarili ko. That means more time na maaagaw doon sa 'outside school time' ko which is doon ko kinukuha 'yung time ko to work," paliwanag niya.

Gayunpaman, nakapag-adjust na daw si Mikee matapos ang ilang buwan ng quarantine.

"It's just about planning eh. 'Yung everyday stuff, kung ano 'yung dapat mong i-prioritize today," aniya.

Inuuna na daw muna niya ang kanyang deadlines bago ang kanyang mga personal projects.

"Kino-condition ko na lang 'yung mind ko na the sooner I finish this, the sooner I get to have the free time to do everything else that I wanna do. 'Yun 'yung motivation ko na sa sobrang dami kasi ng gusto kong gawin sa buhay ko, inuuna ko 'yung mga kailangan," kuwento ni Mikee.

Alamin ang pinagkakaabalahan ni Mikee habang quarantine sa eksklusibong video na ito:




Naghahanda na rin si Mikee sa muling paggawa ng videos para sa kanyang vlog.

Bukod dito, bumalik siya sa mga dati niyang hobbies tulad ng musika at sining para bilang stress reliever.