
Marami ang napa-"sana all fresh" sa bare-face passport photo ng Sang'gre actress na si Bianca Umali.
Noong Sabado, May 18, ipinakita ni Bianca ang passport photos nito na naka black and white at colored, na agad na umani ng papuri mula sa netizens at kapwa celebrities.
Komento ng isang netizen: "Grabe napaka-natural ng face yet sobrang ganda, iba ka Bianca."
"Nagpa-passport ID din ako e, pero 'di ganyan kaganda," biro naman ng isang netizen.
Maging ang boyfriend ni Bianca na si Ruru Madrid ay napa-"Hi ganda!" rin sa kanyang passport photo.
Napa-comment din si Dr. Vicki Belo sa post na ito, aniya, "Ang ganda naman for a passport picture lang."
Sa ngayon, mayroon nang mahigit 20,000 likes, 340 shares, at 280 comments sa Facebook ang post na ito ni Bianca.
Samantala, abangan si Bianca soon bilang Sang'gre Terra sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA, ang Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Makakasama rin niya bilang new-gen Sang'gre sina Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian.
MAS KILALANIN ANG BAGONG HENERASYON NG MGA SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: