
Isang proud ninang si Gelli de Belen sa inaanak na si Quentin, anak ng aktres na si Candy Pangilinan.
Sa isang Instagram post, ibinida ni Gelli ang regalo sa kanya ni Quentin para sa kanyang 51st birthday. Talaga namang sweet na sweet ang kanyang inaanak na inaya siyang mag-lunch at may regalo pang chocolate at rosary.
Nakasama rin ni Gelli sa pa-birthday lunch sa kanya ni Quentin ang kapatid na si Janice de Belen.
Kuwento ni Gelli, "This big boy has to be the sweetest. Quentin knew it was my bday so he told his Mom na kakain daw kami sa Shakey's, favorite niya Hawaiian pizza, tsaka 'yun daw kaya ng budget niya.
"So right before going, inilabas niya ang kanyang piggy bank because that is what he will use to pay at 'yun mismo ang dala niya sa lunch. Tapos para may gift siya, kumuha siya ng chocolate sa refrigerator nila at kumuha ng rosary sa room ng lola niya (Nini) and wrote his message for me.
"My [heart] is so full of gratitude for this thoughtful boy. Ninang loves you Quentin! Siyempre kasama si Tita Janice sexy na buong lunch ay pinupog niya ng hugs and kisses."
Noong May 25, ipinagdiwang ni Gelli ang kanyang 51st birthday. Nakatanggap din siya ng mga pagbati mula sa celebrities na sina Jean Garcia, Rita Avila, Janno Gibbs, at Jopay Paguia.
SAMANTALA, MAS KILALANIN ANG ANAK NI CANDY PANGILINAN NA SI QUENTIN SA GALLERY NA ITO: