advertisement
Celebrity Life

LOOK: Celebrities na biktima ng pagnanakaw

1 of 47

Barbie Forteza

Magsilbing aral sana ang naging experience ng Kapuso couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza na maging maingat kung saan sila nagpaparada ng kotse. Sa vlog ni Jak, ikinuwento nito na nabiktima ng Basag Kotse Gang ang sasakyan ng girlfriend sa Quezon City. Nangyari daw ang insidente sa Scout area sa Timog, Tomas Morato noong December 21, 2019. Tinangay daw ng mga ito ang bag ng nanay ni Barbie.

2 of 47

Jak Roberto

Minsan na rin naranasan manakawan ni Jak Roberto nang looban ang kanilang bahay sa Tandang Sora, Quezon City noong March 2017.

3 of 47

Aiai Delas Alas

Ikinagulat ng marami ang Instagram post ng award-winning comedian na si Aiai Delas Alas na nanakawan siya ng bag sa loob mismo ng kanyang bahay.

advertisement
4 of 47

Aiai's shocking experience

Sa Instagram post ng Comedy Queen, idinetalye niya kung paano niya nalaman ang panloloob sa bahay niya. Kuwento niya, “Tanghali na no'ng nalaman ko na nawawala ang bag ko dahil magbabayad ako sa gumawa ng color and haircut ng nanay ko sa house. And nakita ko na lang na nasa kalye ang bag ko sa tabi ng gulong ng kotse na tagung-tago.”

5 of 47

  Pacquiao mansion

Matapos ang masayang pagkapanalo ni Manny "Pacman" Pacquiao laban kay Adrien Broner, noong January 2019, bumulaga ang balita sa mag-asawang Manny at Jinkee na nilooban ang kanilang mansyon sa Los Angeles, California. Ayon sa ulat ni Mariz Umali sa 'Unang Balita,' ilan sa mga mamahaling damit at sapatos ni Pacman na hindi pa niya nasusuot at isang laptop ang nawawala sa kanilang tahanan.

6 of 47

Sanya & Jak

Takot ang naramdaman ng pamilya ng magkapatid na sina Sanya Lopez at Jak Roberto nang nilooban ang kanilang bahay sa Tandang Sora, Quezon City noong March 2017.

advertisement
7 of 47

Tandang Sora

Ayon sa ulat ng 24 Oras, parehong wala ang magkapatid sa bahay nila nang mangyari ang insidente at ang manager daw nila ang nakakita sa magnanakaw. Natangay ng menor de edad na suspect ang cellphone ng kasambahay nina Jak at Sanya.

8 of 47

Cherry Pie Picache

Ikinagulat ng buong bansa na mapabalita ang pagpatay na ginawa sa ina ng veteran actress na si Cherry Pie Picache na si Zenaida Sison noong September 9, 2014 sa bahay nito sa Quezon City. Umamin ang suspect na si Michael Flores na siya ang pumatay kay Sison. Ayon kay Flores, ninanakawan niya ang bahay ng biktima at nang makita siya nito ay pinagsasaksak niya ito ng isang kahoy at kitchen knife.

9 of 47

Zenaida Sison

Noong December 2015, pinatawan ng hanggang 40 taong pagkakakulong ng Quezon City Regional Trial Court Branch 216 si Michael Flores na napatunayan na nagkasala sa mga kasong homicide at robbery.

advertisement
10 of 47

Gerald Anderson

Nilooban na rin ang bahay ng Kapamilya hunk na si Gerald Anderson. Ayon sa ulat ng isang showbiz website, naganap ang pagnanakaw nito noong July 26, 2018 sa nasaksihan ng isang Erwin Ebora na driver ng kapitbahay ng aktor. Nahuli naman agad ang suspect na anak ng dating katiwala ni Gerald kung saan nabawi mula rito ang mga T-shirt at sapatos na tinangay nito.

11 of 47

Dingdong Avanzado

Ibinahagi naman ng OPM singer/politician na si Dingdong Avanzado ang ginawang pagnanakaw sa kaniyang sasakyan nang siya ay bumisita sa Vallejo, California sa Estado Unidos noong June 2018.

12 of 47

California

Sa kaniyang Instagram post, ipinakita ni Dingdong ang mga larawan ng basag na salamin ng kaniyang kotse. Nawala ang kaniyang dalang bodybag kung saan nakalagay ang kaniyang wallet, driver license, pera at ilang credit cards.

advertisement
13 of 47

Nadine Lustre

Tulad din ng veteran singer na si Dingdong Avanzado, nanakawan din si Nadine Lustre matapos basagin ang salamin ng kaniyang kotse habang nasa US tour kasama ang boyfriend na si James Reid noong March 2017. Nag-tweet ang singer/actress ng paalala sa mga netizens na mag-ingat at huwag mag-iwan ng mahalagang gamit sa loob ng sasakyan. Saad niya, “Guys NEVER leave valuables in your car. It's so easy to break windows now with a ninja rock. Lost my bag and a cam last night.”

14 of 47

Jimmy Bondoc

OPM singer and Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) official, Jimmy Bondoc, became a victim of robbery after an unidentified person broke into his Quezon City home. Based on news reports, a robber carted away at least Php 100,000 worth of gadgets in the early morning of November 20, 2018, with the help of Bondoc's former housemaid, Mary Jane del Rosario, who served as a lookout.

15 of 47

Vina Morales

Nag-iwan ng paalala ang actress-singer na si Vina Morales na mag-ingat at maging alisto ang mga driver na bumabagtas sa EDSA, matapos ma-snatch ang kanyang cellphone sa nasabing lugar.

advertisement
16 of 47

EDSA snatching

Lesson learned para sa singer na si Vina Morales matapos maranasan ang cellphone snatching habang binabagtas ang EDSA. Aniya, may nagsamantalang tao at hinablot ang kanyang gamit na cellphone habang nakababa ang kanyang car window.

17 of 47

Michael John Flores

Binasag ang salamin ng sa passenger side ng kotse ng aktor na si Michael John Flores habang naka-park ito sa isang restaurant, kung saan siya kumain matapos maglaro ng badminton noong December 3, 2020.

18 of 47

Car

Hindi nabanggit ni Michael kung ano ang mga natangay mula sa kanyang sasakyan, pero nagbahagi siya ng mga litrato kung saan makikitang binuksan din ang bag niyang naglalaman ng badminton racket at iba pang gamit. Nakakalat na rin ang sapatos niya sa upuan ng kotse.

advertisement
19 of 47

Xian Lim

Ibinahagi ng aktor na si Xian Lim sa Instagram noong January 8, 2021 na nilooban ang kanyang bahay ng apat na katao. Aniya, nakuha ang lahat ng kanyang TV at computer ng mga kawatan.

20 of 47

Police report

Ini-report naman kaagad ni Xian sa mga pulis ang nasabing insidente at minabuting gumawa ng hakbang para sa seguridad ng kanyang bahay at pamilya.

21 of 47

Angely Dub

Travel agency boss and vlogger Angely Dub

advertisement
22 of 47

Angely's condo

Bumuhos ang galit ng celebrity travel planner na si Angely Dub nang makita ang sitwasyon ng kanyang condominium unit sa Quezon City matapos itong manakawan. Sa Facebook post ng businesswoman, ibinahagi niya ang mga nangyari sa kanyang tahanan matapos looban. Mas lalo raw nakakadismaya nang malaman nito na walang CCTV sa floor ng kanyang condo unit. Wika niya, “A big residential establishment like this without cctv cameras? Really. Shame on all of you! I will sue all of you and make sure you pay everyone of us who lost our hard-earned money because all of you are useless at what you do.”

23 of 47

Slater Young

Umamin ang former 'Pinoy Big Brother' housemate na si Slater Young na minsan na silang naging biktima ng magnanakaw.

24 of 47

Slater vlog

Sa kanyang vlog entry noong March 24, 2021, nangyari daw ang panloloob sa bahay ng kanyang mga magulang almost five years ago. Ilan sa mga nakuha sa pamilya ni Slater ay alahas, laptop, at cellphone.

advertisement
25 of 47

Alex Gonzaga

Nabiktima ng agaw-cellphone gang ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa bahagi ng Guadalupe Nuevo sa Makati City noong Agosto 2021.

26 of 47

Alex phone

Sa Twitter post ni Alex noong August 25 na nabawi rin agad ang kanyang cellphone. Malaki rin ang pasasalamat nito sa kanyang driver na hinabol ang taong humablot sa gamit niya at sa tulong na ibinigay ng pulisya sa kanila matapos ang insidente.

27 of 47

Gerald Anderson

Nabiktima ng "bukas-kotse" gang ang aktor na si Gerald Anderson noong February 2022. Base sa kuha ng CCTV sa isang lugar sa Quezon City, binasag ng isa sa mga naka-motorsiklong suspek ang bintana ng SUV ng aktor para makuha ang ilang mahahalagang bagay sa loob nito.

advertisement
28 of 47

Bukas-Kotse

Nang makitang walang ibang tao, binalikan pa ng suspek ang SUV ni Gerald Anderson para kunin ang ilan pang mahahalagang bagay na naiwan. Agad namang nahuli ng awtoridad ang isa sa mga suspek.

29 of 47

Lani Misalucha

Ayon sa Facebook post ng Amore Entertainment, ninakaw ang mga gown ng Asia's Nightingale na si Lani Misalucha habang ito ay kumakain sa isang restaurant sa Las Vegas matapos ang isang sold-out concert. Ang mga gown ay couture creation ng Filipino fashion designer na si Oliver Tolentino.

30 of 47

Bea Alonzo

Umamin ang multi-awarded TV and movie star na si Bea Alonzo na ninakaw ang kaniyang wallet habang nagbabakasyon sa Lisbon, Portugal noong September 2019. Ginawa ni Bea ang kumpirmasyon nang paalalahan siya ng mga netizen na maging maingat habang nag-iikot sa Lisbon.

advertisement
31 of 47

Alma Concepcion

Masama ang loob ng beauty queen-actress na si Alma Concepcion ng malaman niya at kaniyang pamilya na ninakawan sila ng former house staff nila. Sa Facebook post ng celebrity mom, hindi lamang kapatid niya ang nabiktima nito, kundi pati ang anak niya na si Cobie.

Pagsisiwalat ni Alma, “Panay dollars ang kinuha sa kapatid ko Albert Carvajal Concepcion na tinarato syang barkada parati pa siya sinasama sa labas labas at nood ng sine. pati anak ko Cobie Puno nawalan din ng money dahil syempre sa bahay relax lang nakapatong lang mga wallets kung saan saan. Kung nasaan ka man Jhovelyn PM mo ako.”

32 of 47

Desiree Cheng

In a series of Tweets last June 21, 2022, Choco Mucho Flying Titan star spiker Desiree Cheng revealed that she was robbed when she watched the UAAP Season 84 women's volleyball finals held at the Mall of Asia Arena. She tweeted, “ANG DAMI ATANG NANAKAWAN TONIGHT SA ARENA? OPO, ISA AKO DOON!”

33 of 47

Angelika and Mika

Nakakagulat ang kumpirmasyon ni Angelika Dela Cruz, na nagsisilbing Barangay Captain ng Barangay Longos sa Malabon City, na nilooban ang kanilang bahay. Ayon sa ulat, ang kanyang kapatid na si Mika ang nakahuli sa magnanakaw at nangyari ang insidente madaling araw ng July 8, 2022.

Post ni Angelika sa Facebook, “Sa mga nagtatanong po totoo po 'yan, nagpapasalamat po ako sa mga Tanod ng Barangay Longos at mga pulis sa agarang responde at nahuli po ang tao.

“Salamat din po sa Diyos at walang nangyaring masama sa Mommy ko at kay Mika.”

advertisement
34 of 47

Ady Cotoco

Ang dapat sana na masayang back-to-home experience ng TikTok content creator na si Ady Cotoco, nauwi sa lungkot at pagkabigla nang malaman niya na ninakaw ang halos Php 200,000 worth na luxury item sa kaniyang luggage. Galing si Ady sa Madrid, Spain.

35 of 47

Ady luggage

May mahigit 4 million views na sa TikTok ang dalawang video ni Ady tungkol sa mga nawawala niyang gamit. Sa panayam niya sa 'Unang Balita,' sinabi ng social media personality na “traumatizing” ang nangyari sa kaniya. Saad niya, “I was really traumatized kasi for the first time in 23 years that I have been travelling first time [ito] nangyari sa akin.

“What if this happens to our Fellow Filipinos na talagang pinaghirapan nila 'yung perang 'yun, binili nila for their loved ones and bigla na lang ninakaw ng ibang tao?”

36 of 47

Aubrey Miles

Dream destination na maituturing ang bakasyon nina Aubrey Miles at Troy Montero sa Paris, France, pero 'tila nabahiran ito ng lungkot matapos ibahagi ni Aubrey na nanakawan siya.

advertisement
37 of 47

Aubrey's Paris experience

Ayon kay Mrs. Montero na “traumatizing” ang naturang insidente para sa kaniya. Post niya sa Instagram, “Dahil nakaka trauma kayo para sa mga baguhang tourista, you can't bring us down. Dahil dyan, nag pa photoshoot pa ako, langya kayo."

38 of 47

Khalil Ramos

October 2022 nang humingi ng tulong sa publiko ang Sparkle actor na si Khalil Ramos para mahanap ang ninakaw na 1996 Mitsubishi Montero ng kanilang pamilya.

39 of 47

Vintage car of the Ramos family

Sa panayam ni Khalil sa '24 Oras,' isang buwan matapos ang insidente, hangad pa rin ng actor-singer na mabawi nila ang sasakyan na may “sentimental value” sa kanilang pamilya.

Lahad niya, “Ang high nung sentimental value cause that was my lolo's car and inalagaan talaga 'yun ng dad ko. So, heartbreaking pa rin for us.”

advertisement
40 of 47

Ronnie and Loisa

Naging biktima ng Bukas-Kotse Gang ang showbiz couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa Bacoor City, Cavite, sa unang araw ng December 2022.

41 of 47

Bukas-Kotse Gang

Ayon sa police report, nakuha ng mga kawatan ang ilang smartphones nina Ronnie at Loisa sa pamamagitan ng pagbasag ng windshield ng gamit nilang Jeep Wrangler Wagon.

42 of 47

 Mikael Daez

Masalimuot ang karanasan ng Kapuso TV host at actor na si Mikael Daez na napaulat na dalawang beses na nakaranas na manakawan.

Ayon sa report ng PEP.ph noong 2011, tinangay ang gym bag ni Mikael noon, na naglalaman ng kaniyang laptop, habang nagho-host ng isang event sa SMX Convention Center.

advertisement
43 of 47

Mikael's condo

Sa podcast episode ni Mikael noong 2020, inalala naman niya ang insidenteng nanakawan sila ng kapatid niyang si Nicky Daez sa condominium unit nila noon sa Katipunan.

Kuwento ni Mikael, "In my first condo experience in Katipunan, pinasukan kami. I didn't know, I wasn't aware of security at that time and my inexperience showed. This was one of my most painful, one of my first extremely painful events after college.

Dagdag niya, "It was my fault and I'm sorry, Nicky, it was my fault. I forgot to check the windows because I never ever had to check windows before. It was still my fault. I left the condo and when my brother and I got back, all our stuff was missing.”

44 of 47

Ryza Cenon

Nakapanlulumo para sa StarStruck Ultimate Female Survivor na si Ryza Cenon na manakawan ng gamit noong 2007.

45 of 47

Ryza ninakawan

Sa panayam sa versatile actress ng PEP.Ph sa press conference ng Joaquin Bordado, ikinuwento niya ang nawalang bagay sa kaniya sa dati niyang apartment.

Sabi ni Ryza, "Lumipat na ako, kasi ninakawan ako, e. Bago ako mag-birthday nu'ng December, ninakawan ako. Ang mga ninakaw sa akin, yung laptop ko, digicam, kuwintas ng lola ko, 'tapos bag, mga pabango... 'Yung mga madaling dalhin na hindi mapapansin. Winasak po 'yung pinto. So nag-decide akong maghanap ng matitirhan. Dun sa bago kong tinitirhan, safe na po, meron nang guard,"

advertisement
46 of 47

Robert Alejandro

Matinding dagok ang naranasan ng former 'Art is Kool' host na si Robert Alejandro o mas kilala sa tawag na Kuya Robert nang magkuwento sa 'Saksi' tungkol sa naranasan niyang pagnanakaw.

47 of 47

Robert caregiver

Sa ulat ng late night newscast, ikinuwento ni Robert na ninakawan siya diumano ng kaniyang caregiver na dalawang buwan pa lang siyang inaalagaan.

Ayon sa TV host, hindi baba sa Php 3 milyon ang nawala sa kaniyang life savings.

Aniya, "Nakikita naman niya 'yung kalagayan ko. 'Yung hirap na hirap kami mabuhay, tapos ito ang gagawin. Kailangan ko iyon para sa ospital, ganun. Buti kung healthy pa ako, puwede pa ako magtrabaho para mag-ipon pa."