Celebrity Life

Joyce Ching, balik 'Bubble Gang'

BY AEDRIANNE ACAR

Kinatakutan at kinainisan natin si Joyce Ching sa Sunday suspense-thriller na Dormitoryo as Airiz, ang “Queen Bee’ ng school na nagpahirap sa buhay ni Hazel played by Lauren Young.

Madalas mang nalilinya sa mga kontrabida role ang Kapuso actress, sa totoong buhay masayahin at kalog ang former Tween star. Kaya naman perfect addition si Joyce sa longest running gag show ng bansa, ang Bubble Gang, na malapit na ring mag-celebrate ng 19th anniversary nito.

Kuwento ng dalaga sa GMANetwork.com, napakasarap na mabilang sa cast ng Bubble Gang dahil ramdam daw niya na part siya ng one big happy family.

Saad ni Joyce, “Actually sobrang saya po, kasi kahit 18 years na sila magkakasama, sila Kuya Bitoy, 'yung mga staff, ang tatagal na nila magkakasama at kahit na mga bagong pasok pa lang kami, sobrang bait nila sa amin, parang sobrang family agad."

Dagdag pa ng Bubble Gang star, ang pagkakasama daw niya sa show ay tila pagbabalik niya sa kanyang naging unang tahanan dito sa showbiz, dahil nag-umpisa daw siya sa Bubble Gang Jr.

“Parang 'yung feeling mo kasama ka doon sa 18 years na tinakbo noon at saka sobrang nakakatuwa po kasi nung bata ako, nagstart ako sa Bubble Gang Jr. tapos ngayon andito ako [ulit] sa Bubble Gang, kaya happy-happy.”

Bilib din daw siya sa discipline at effort na ibinubuhos ng bawat cast tuwing taping, dahil lahat daw ay supportive at may common goal para higit na mapaganda ang Bubble Gang na halos dalawang dekada nang namamayagpag sa ere.

“Nago-observe po, pero opo sila Kuya Bitoy, sila Ate Peachy (Rufa Mae Quinto) pati po sila Kuya Tonio (Antonio Aquitania) lahat po ng mga original [cast], talagang pag minsan na wala [kami] sa timing, kinocorrect nila, 'baka puwede ganito or baka mas effective pag ganito ‘yung gagawin mo'. Sobra po silang supportive sa lahat at saka parang ginagawa talaga nila lahat, mismong ‘yung artista nag-eeffort na kailangan mapaganda natin ‘tong show na ‘to,” ang paglalarawan ng aktres.