
Sa darating na Sabado, September 28, mapapanood si Rabiya Mateo sa drama anthology na Magpakailanman.
Sa taping ng naturang palabas, napasabak sa matinding actingan si Rabiya kasama ang kanyang fellow Kapuso star na si Faye Lorenzo.
Sa “Chika Minute” report na ipinalabas nitong Miyerkules, ipinasilip ang ilang eksena nila kung saan makikita ang ilang sampalan at sabunutan na mga eksena.
Inilahad din dito ni Rabiya ang mayroon siyang gustong maranasan bilang isang aktres.
Ayon sa kanya, pangarap niyang masampal ng batikang aktres at Widows' War star na si Jean Garcia.
“Pangarap ko 'yun na mabingi sa sampal ni Ms. Jean Garcia,” pahayag niya.
Sa naging panayam sa 27-year-old Sparkle star, mapapansin na sinusubaybayan niya ang karakter ni Jean sa 2024 murder mystery drama series.
Matatandaang noong nakaraang taon, napanood si Rabiya bilang isa sa cast members ng isa ring murder mystery drama--ang Royal Blood.
Rabiya Mateo on maintaining her beauty and body: 'It takes a lot of effort'