GMA Logo Kim de los Santos
source: kimnicole727/IG
Celebrity Life

Kim de los Santos, no regrets sa desisyon na iwan ang showbiz

By Kristian Eric Javier
Published October 2, 2024 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Strong 6.7-magnitude quake strikes southern Peru — USGS
Man lands in hospital after fire razes home in Bacolod
Otherworld Festival Manila is happening this November

Article Inside Page


Showbiz News

Kim de los Santos


Wala mang pagsisisi, aminado si Kim de los Santos na na-miss din niya ang showbiz.

“Regrets, not really. But I miss it.”

Iyan ang naging tugon ng dating T.G.I.S. actress na si Kim de los Santos nang tanungin siya tungkol sa pag-iwan niya sa show business.

Matatandaan na taong 2004 nang iwan ni Kim ang mundo ng showbiz para manirahan sa United States at tuparin ang pangarap niyang maging nurse.

Sa panayam kay Kim ng online entertainment show na Marites University, inamin ng dating aktres na na-miss niya ang showbiz dahil marami siyang natutunan mula rito na naging dahilan para magbago at mag-mature siya.

“Sabi ko, at least now, kung mag-artista man ako, ma-e-enjoy ko na siya. Hindi 'yung pressure na kailangan mo dahil kailangan mo ng pera, o kailangan mong gawin 'to, but now, it's because you love it,” sabi ni Kim.

Ibinahagi rin ni Kim na noong bata siya, isa sa mga sinasabi sa kaniya ay “mahalin mo ang trabaho mo” at pag-amin ni Kim, hindi niya ito naintindihan noon.

“Hindi ko naintindihan until I worked in America and I loved my job, that's when I understand. 'Kaya siguro hindi ako masyadong nag-enjoy sa showbiz, kasi hindi ko siya minahal. Ginawa ko siya dahil kailangan ko siya,'” sabi ng dating aktres.

Ngayon ay nurse na sa United States si Kim, at eventually, isang psychiatric health nurse. Pero para sa dating aktres, ang ginagawa niya ngayon ay halos pareho na rin sa pagiging isang artista.

Paliwanag ni Kim, “But the way I looked at it, ang pag-aartista is helping people. You act, you try to make the people feel good, right? Nursing is the same way. I still find myself trying to make people happy during the hardest times in their lives and I'm just proud.”

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA INIWAN ANG SHOWBIZ PARA SA BUHAY ABROAD SA GALLERY NA ITO: