Isa ka rin ba sa mga naniniwalang tila twin brothers sina Rocco Nacino at Jin Goo?
Simula noong ipinalabas ang Filipino-dubbed Korenovela na 'Descendants of the Sun' sa GMA Network, hindi maiwasang maikumpara si Rocco Nacino sa Korean actor na si Jin Goo, na gumanap sa karakter ni Sgt. Seo Dae-young o Sgt. Diego a.k.a Wolf.
Ani Rocco, madalas daw siyang ma-tag sa social media kapag ipinalalabas na ang 2016 hit Korean series noon. "Lagi ako nagtataka kung bakit ako tina-tag ng mga tao pagkatapos ng 'Encantadia' dahil pala kamukha ko si Jin Goo."
Late 2017 nang inanunsyo ng GMA na magkakaroon ng local adaptation ang 'Descendants of the Sun.'
Noong June 2019, inanunsyo ng GMA Network na si Rocco ang gaganap sa papel ni Technical Sergeant Diego Ramos.
Sa Instagram, nagbigay ng mensahe si Rocco kay Jin Goo. Ika ng Kapuso actor, "Hello twin brother @actor_jingoo, I will do my best to give justice to Wolf/ Sgt. Seo Dae Young/ Sgt. Diego and to portray it as well as you did. Salute!"
Related: LOOK: Rocco Nacino introduces his character in Pinoy adaptation of 'Descendants of the Sun'
Sa isang video interview ng GMANetwork.com, inamin ni Rocco na hindi niya makita ang kanilang pagkakahawig ni Jin Goo.
Kwento pa ni Rocco sa panayam, kahit ang kanyang DOTS Ph co-star na si Jennylyn Mercado ay kitang-kita ang kanyang resemblance sa Korean actor.
Pagdating sa fashion, kuhang-kuha rin ni Rocco ang style ni Jin Goo!
Ayon sa netizens, papasa raw silang magkakambal.
Pare-pareho ang opinyon ng netizens tungkol sa pagganap ni Rocco sa papel ni TSg Diego sa Philippine adaptation ng 'Descendants of the Sun.' Ani ng isang netizen, siya ang "most perfect actor" para sa role.
Sa isang Instagram post, sinabi ni Rocco na dahil sa kanilang pagkakahawig ni Jin Goo kaya niya nakuha ang role. 'Thank you @actor_jingoo for doing a damn good job as Wolf that got me to be part of this project,' ika ng Kapuso actor.
Sa ngiti labis na nagkakapareho sina Rocco at Jin Goo.
Clean-shaven ang appearance ni Jin Goo, samantalang may pagka-masculine ang look ni Rocco.
Balikan ang pagganap ni Rocco bilang Wolf sa full episodes ng 'Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).'