Celebrity Life

Dingdong’s pamamanhikan: An exchange of promises, plans and commitment between two families

By CHERRY SUN



Higit sa pagsunod ng tradisyon, naging mas makabuluhan ang pamamanhikan ni Dingdong Dantes sa pamilya ng kanyang future wife na si Marian Rivera kagabi

Kwento ng Primetime King sa Unang Hirit, “Masaya naman kasi kami. Binibigyan namin ng halaga ‘yung tradisyon so kagabi nagpalitan kami ng food, ‘di ba bilang tradisyon.”

Korean Beef daw ang inihanda ng ina ni Dingdong, habang adobo at lumpia naman ng ina at lola ni Marian ang ibinahagi sa kanyang pamilya.

Dagdag pa niya, “Pero more to it, maganda ‘yung nagpalitan kami ng mga promises, at saka ‘yung mga plans at commitment between two families.”

Ngayong araw ay ibinahagi na rin ng Primetime Queen sa kanyang instagram ang naganap na pamamanhikan kagabi.

Ani Dingdong, hindi raw perfect ang ginagawa nilang paghahanda sa kanilang nalalapit na kasal.

“Pero ‘yun yung exciting doon ‘di ba? Kahit lahat ng gusto mo mangyari may mga glitches, pero ‘yung pag-aadjust mo along the way, ‘yun 'yung mahalaga tsaka syempre exciting ‘yung lahat ng proseso,” dagdag pa ng Primetime King.

“Ang mahalaga doon, dalawa kami magkasama sa pagdedesisyon, sa paggawa ng mga bagay-bagay. That’s why it becomes very memorable siguro,” pagtatapos niya.