Showbiz News

EXCLUSIVE: Dingdong Dantes, excited sa pagbabalik-teleserye ni Marian Rivera

By Jansen Ramos

Muling mapapanood ang Kapuso Primetime Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa teleserye.

Matapos bumida sa Cain At Abel kasama si Dennis Trillo, mapapanood si Dingdong sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) kung saan leading lady niya ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado

LOOK: Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado dress as 'Descendants of the Sun' characters

Samantala, mapapanood naman si Marian sa upcoming romcom-action series na First Yaya, kung saan katambal niya ang seasoned actor na si Gabby Concepcion.

Ang dalawang programa ay ilan lang sa biggest offerings ng GMA sa taong 2020 para sa 70th anniversary ng Network.

GMA Network brings groundbreaking shows for 2020

Ani Dingdong sa exclusive interview ng GMANetwork.com kamakailan, "Wala naman sa laki kundi nasa puso. Ang Descendants of the Sun puro puso, lalung-lalo na 'yung characters and 'yung istorya. Mukha siyang malaki dahil may giyera pero ang totoong nanagyayari d'yan ay 'yung magagandang kwento ng pag-ibig, 'di ba? Pag-ibig ni Maxine at saka ni Lucas, ni Diego saka ni Moira. 'Yung pagmamahal nila sa bayan, 'yung pagmamahal nila sa kanilang trabaho, 'yung dedikasyon. 'Yung mga gano'ng bagay, so very exciting."

Bukod sa Descendants of the Sun, excited na rin si Dingdong na muling matunghayan ang kanyang asawang si Marian na bumida sa teleserye matapos isilang ang kanilang second baby na si Jose Sixto o Ziggy noong April 2019.

Ang GMA action-fantasy series na Super Ma'am ang huling pinagbidahang serye ni Marian. Ipinalabas ito simula September 2017 hanggang January 2018.

Bahagi ni Dingdong, "I'm sure maraming naka-miss sa kanya sa pagganap sa TV and ako rin, I want to see her on TV soon. Kung kailan, hindi pa natin, specifically, alam but I think it's gonna happen pretty soon."