Ang mga artista ay kadalasan hinahangaan sa kanilang taglay na talento sa pag-arte, pag-awit, pagsayaw o pag-host ng programa.
Hindi rin maitatanggi na ang ganda ng kanilang mukha o katawan ay isa rin sa hinahangaan ng kanilang mga fans o followers.
Ngunit, hindi lang iyan ang nagugustuhan ng kanilang mga taga-hanga. Kapansin-pansin din ang taglay na kasipagan at pagiging madiskarte ng ilang sikat na personalidad.
May ilang artista na nagmula na sa mga angkan ng mga aktor o mang-aawit, at naging mas madali para sa kanila ang pasukin ang showbiz.
Samantala, may ilang din na marami munang pinagdaanang pagsubok bago narating ang tinatamasa nilang kasikatan at tagumpay sa kanilang karera.
Noon, ang madalas maging daan o “stepping-stone” para maging artista ay ang pagiging “talent” o “extra.” Sa katunayan, maraming artista ang nagdaan muna sa pagiging “extra” o 'yung pagkakaroon ng mga malilit na role sa TV o pelikula. At mula dito ay unti-unti nilang hinubog ang kanilang talento at unti-unti rin silang nakilala ng kanilang mga taga-hanga.
Ang ilan naman ay nagsisimula muna bilang makeup artist, production assistant, writer, floor director, utility at iba pang trabaho sa likod ng camera.
Mayroon din ibang artista na bago sumabak sa showbiz ay nasubukan na rin pumasok sa trabaho na malayo sa mundo na kasalukuyan nilang ginagalawan.
Ang ilan sa kanila ay naransan na rin magtrabaho bilang barker ng jeep, janitor, construction worker, waiter, vendor at marami pang iba.
Nanggaling man sa hirap ang iba sa kanila at kinailangan pasukin ang iba't ibang trabaho, nagbunga naman kinalaunan ang kanilang sipag at tiyaga at nakamit ang kanilang swerte o "lucky break" sa showbiz.
At kahit na sila'y sikat na ngayon at maaaring nakakaangat na sa buhay, hindi nila kinakalimutan ang kanilang pinagmulan.
Alamin at gawing inspirasyon ang mga naging dating trabaho ng mga artista bago sila sumikat sa gallery na ito.
He is one of the most recognizable faces of 'Bubble Gang,' but did you know that 'Atlit' star Diego Llorico once worked as a production assistant of the gag show?
Diego is now the associate producer of 'Bubble Gang.'
Bago ma-discover si Jericho Rosales sa Mr. Pogi ng 'Eat Bulaga,' nagtrabaho muna si Echo bilang service crew ng isang pizza chain at personal driver. Bukod dito, nasubukan din ni Echo na magtinda ng ice buko at isda sa palengke. Nangangalakal din si Echo at minsan ay naging barker ng jeep.
Ibinahagi ni Jak Roberto sa programang 'Tunay Na Buhay' na nagpipinta siya noon ng mga lapida sa sementeryo para kumita ng pera.
Bukod sa pagiging artista, busy din si Jak Roberto sa kanyang YouTube channel.
Dating nagbebenta ng ice buko ang basketbolistang si Marc kapag weekend para magkaroon ng extra income.
Nagtrabaho rin daw siya sa isang palengke kung saan 20 pesos ang sweldo niya sa isang araw.
Ashley Rivera, also known as Petra Mahalimuyak, rose to popularity via her hit YouTube videos. But before being a YouTube star, Ashley worked at a cellphone store in Las Vegas, Nevada.
Now, Ashley Rivera is part of 'Happy ToGetHer' with John Lloyd Cruz.
Kim Domingo hit a gold mine when her dubsmash video of “Twerk It Like Miley,” garnered almost five million views. But before tasting stardom, Kim worked as a promo girl for liquor products.
Kim Domingo is one of the fastest rising stars in the Kapuso Network.
Before becoming a comedians, Donita Nose worked different jobs before she became famous.
Donita revealed in an interview with 'Tunay na Buhay' that she worked as a janitor and a dish washer. She got her big break in 'Wowowin.'
Comedian Divine Tetay had a regular job before being known as one of the most effective impersonators of the Queen of All Media Kris Aquino.
Divine once worked as a makeup artist and production staff in a TV network.
Nakilala ang hunky model na si Matthias Rhoads sa isang viral na Valentine's Day ad ng isang fast food chain taong 2017. Bumida din siya sa mga Kapuso series na 'Super Ma'am' at 'Asawa Mo, Karibal Ko.'
Bago pasukin ang mundo ng showbiz, may corporate job si Matthias Rhoads noon sa New York City.
May corporate job dati ang GMA Music beauty na si Princess Velasco bago siya nakilala bilang OPM Acoustic Princess.
Alam n'yo ba na dating Kapuso si Princess? Naging marketing officer siya ng GMA New Media, isa sa mga subsidiary ng TV network. Kinalaunan naging assistant manager din siya sa Corporate Planning Department ng GMA-7.
Bago maging host ng 'Eat Bulaga,' naging production assistant at floor director muna ang komedyanteng si Jose Manalo ng programa.
Sa kasalukuyan, mainstay pa rin ng 'Eat Bulaga' si Jose simula noong 1994.
Sumikat bilang antagonist sa seryeng 'Onanay' ang Kapuso actress na si Jenzel Angeles. Kasama rin si Jenzel sa Pinoy adaptation ng 'Descendants of the Sun.'
Pero bago sumabak sa pag-aartista si Jenzel, naging assistant muna siya ng GMA Senior Vice President for Entertainment Group na si Lilybeth G. Rasonable.
Sa kanyang 'Tunay na Buhay' interview noong 2018, sinabi ni Troy Montero na naranasan niya noong magnig construction worker sa Amerika. Sabi ni Troy, “My dad builds houses. He sells houses. What basically I do is construction.”
Bago naging internet sensation si Jelai Andres, nagtrabaho siya noon sa Qatar bilang isang receptionist sa isang real estate company. Kinalaunan ay naging secretary siya at admin officer.
Bago maging reporter, news anchor at host ng 'On Record' si Mav Gonzales, nagtrabaho muna siya bilang writer at courtside repoter. Alamin ang ilan pang nakakabilib at nakakamanghang facts tungkol kay Mav dito.
Nakilala natin siya bilang ang jowable vet at host ng 'Born to Be Wild.' Ngunit sa isa niyang IG post kung saan ipinakita niya ang dati niyang name plate, ikinuwento ni Doc Ferds Recio na noong nasa vet school pa siya ay nagtrabaho siya bilang PR Officer sa Enchanted Kingdom tuwing weekends. Dagdag pa niya sa caption, “I kept it all these years as a reminder that if you work hard, persevere and be determined enough to learn and to achieve your goals, no one should stop you.”
Proud na ikinuwento ni Kara David na nagsimula siya bilang PA-researcher sa GMA. Ngayon, isa na siyang hinahangaan at award-winning na documentarist at TV host sa Pilpinas.
Kapuso actress Carla Abellana had a corporate job before entering showbiz.
Here's a throwback photo of Carla Abellana when she was at her second job as an HR Associate for Rockwell Land Corporation.
Before joining Eat Bulaga's You're My Foreignay in 2014 and becoming the resident social dis-dancer in the longest-running noontime variety show, Dasuri Choi worked with K-Pop idols in Korea.
Dasuri Choi was a choreographer and back-up dancer for K-Pop artists such as the Wonder Girls and Yama and Hotchicks.
Before entering showbiz, the new mom and Descendants of the Sun actress Reese Tuazon had a job related to her character, Dr. Sandra Delgado, in the Kapuso series.
Before becoming the celebrity mom and entrepreneur that she is today, Reese Tuazon worked as a registered nurse.
Did you know that OPM singer Ronnie Liang was a working student? In an Instagram post, he reminisced about his life working in the fast-food industry in the morning and studying at night. Ronnie shared, “I have learned that it doesn't matter what kind of job/work you do as long as you do it with respect and dignity. Additionally, people you serve will also be exceptionally happy when you perform your duties faithfully and wholeheartedly.”
Ang unang trabaho ni Joyce Pring ay bilang isang copywriter para sa isang furniture company. Nagtrabaho siya sa nasabing off-shore furniture company habang nag-aaral pa sa kolehiyo.
Bago sumabak sa showbiz ay naging drummer muna ng bandang Moyg sa Baguio City si Dennis Trillo.
Bago naging sikat na vlogger ay nagtrabaho si Zeinab Harake bilang performer or model na nakabihis bilang Disney princess sa mga mall. Tingnan ang kanyang Disney-inspired maternity shoot.
Alam n'yo ba na bago naging favorite ni Patrick ang hotdog, dati siya nagtrabaho muna sa isang fast-food chain na ang specialty ay chicken? Ibinahagi ng Kapuso comedian na si John Feir sa isang Instagram post na nagsilbi siyang staff noon sa McDonalds noong '90s.
Bago nakilala bilang comedian, singer, composer, creative director, book author at film director ang nag-iisang Michael V. ay dati siyang nagde-design ng Christmas o Halloween decors. Kuwento ni Direk Bitoy sa kanyang 'Bitoy Story' vlog, “Dati akong nagtrabaho sa Teaño International Export as a product designer. Teaño is an exporting company sa Navotas na nagma-manufacture ng seasonal decorative items.
“Kilalang-kilala 'yan doon nung '80s hanggang '90s. At ang trabaho ko dun, e, mag-drawing, mag-sculpt at mag-paint ng mga prototypes ng mga figures na pang-display during Christmas, Halloween, at saka Easter.
Ang rapper na si Gloc-9 ay nagtrabaho noon bilang service crew sa Bun on the Run, Little Ceasars, Tokyo Tokyo at French Baker.
Nagtrabaho noon ang TV host at anchor na si Arnold Clavio sa KFC Roxas Boulevard branch noong 1986 bilang busboy/waiter, cook at dishwasher. Proud siyang napagtapos niya ang sarili bilang isang working student matapos na mawalan ng trabaho ang kanyang ama noon.
Bago sumikat bilang frontman ng Eraserheads at magaling na songwriter ay nagtrabaho muna si Ely para sa isang record label.
Namasukan si Ely bilang copywriter sa BMG Records.
Incidentally, ang BMG din ang nagbigay ng break sa Eraserheads matapos nitong papirmahin ang banda na siyang naging daan para mailabas ng grupo ang kanilang groundbreaking debut album, Ultraelectromagneticpop!, noong 1993.
Ang BMG Records ang naging tahanan ng Eraserheads hanggang sa mabuwag ang grupo noong March 2002.
Kilala si John Lapus bilang aktor, direktor, at komedyante na nakagawa na ng maraming pelikula at naging host na rin ng mga showbiz-oriented talk show.
Bago naging artista at direktor, nagsimula bilang researcher si John "Sweet" Lapus hanggang sa na-promote siya bilang head researcher. Bukod dito, nasubukan din niya maging segment producer, talent coordinator, pictorial director, promo specialist, at creative associate producer.
Nakilala si Tuesday Vargas sa kanyang galing sa pagkanta at pagiging komedyante. Bukod dito, lumabas na rin siya sa iba't ibang pelikula at telebisyon bilang aktres.
Bago pa man makapagtapos sa Univeristy of the Philippines, nasubukan na ni Tuesday na maging floor director, writer, at production assistant bilang isang working student. Bukod sa pagiging artista, isa ring wedding planner si Tuesday.
Right decision para sa TV-movie actor na si Christian Bables na iwan ang dati niyang trabaho sa corporate world para pagtuunan ng pansin ang kanyang showbiz career.
Sa panayam ng PEP.Ph sa 2021 Metro Manila Film Festival Best Actor, nagtatrabaho pa sa isang telco company si Christian noong 2015 pero nagdesisyon siyang mag-resign para mapabilang sa isang teleserye. Bukod sa pelikula niyang 'Big Night,' na isa sa 2021 MMFF entries, nakilala rin si Christian sa role niya sa award-winning movie ni Paolo Ballesteros na 'Die Beautiful' (2016).
Sa isang Instagram post, kinuwento ni Neil na noong siya'y 10 years old ay naging delivery boy siya at ginagawa niya ito tuwing summer upang makapag-ipon ng perang pambaon sa scho
Magdadalawang dekada na sa showbiz ang Kapuso actor na si Neil Ryan Sese ngunit alam n'yo ba na minsan ay naging delivery boy siya ng mga softdrinks para makaipon?
Before becoming a content creator, Toni Fowler told in her exclusive interview with Karen Davila that she worked as a crew in fast-food chain Jollibee.
Toni also said in Karen's interview that social media played a huge part in her life. She stated, “Kaya talagang life changer 'yan. Kaya pinatatoo ko 'yang si YouTube, mga social media accounts. Because, life-changing kasi 'yung social media, e, 'di ba? Sobra siya, malaking bagay siya sa akin, sa buhay ng anak ko ng pamilya ko.” Toni's YouTube channel has more than seven million subscribers at this writing.