Celebrity Life

Jennylyn Mercado, may pinagdaanan na 3 matitinding pagsubok sa buhay

By Kristian Eric Javier
Published January 22, 2025 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

POC formally suspends PNVF following FIVB's ruling
Bianca Umali travels to Seoul
XU, CLI welcome DENR-10 resolution affirming rights to Manresa property

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado


Sa kabila ng mga pagsubok, isang leksyon ang natutunan ni Jennylyn Mercado sa buhay. Alamin iyon dito.

Matapos ang mahigit dalawang dekada ay nananatili paring Kapuso si Ultimate Star Jennylyn Mercado nang muli siyang pumirma ng kontrata sa GMA Network kamakailan. Ngunit sa loob ng 21 taon, masasabi ng aktres na merong tatlong pinakamabigat na pagsubok siyang pinagdaanan.

Sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas sa sidelines ng kaniyang contract signing para sa 24 Oras nitong Martes, January 22, ibinahagi ni Jennylyn ang tatlong moments na maituturing niyang pinakamalaking pagsubok niya sa buhay.

Una na rito ay ang pagbubuntis niya sa panganay na anak na si Alex Jazz noong 2008. Pag-amin ni Jennylyn ay wala pang kasiguraduhan ang career niya noon. Bilang breadwinner ng kaniyang pamilya, minsan na niyang naisip talikuran ang showbiz para sa makahanap ng mas stable na trabaho.

Ang ikalawang pagsubok ni Jennylyn ay noong unang nagkahiwlay sila ng asawa na niya ngayon na si Dennis Trillo. Una silang naging magkarelasyon noong 2010 ngunit pag-amin ng dalawa, hindi ito nag-work out.

“Nu'ng time na 'yun, isa 'yun sa mga pinakamalungkot na parte ng buhay ko kasi siya 'yung greatest love ko,” sabi ni Jennylyn kay Nelson.

TINGNAN ANG NAGING JOURNEY NI JENNYLYN MULA 'STARSTRUCK' HANGGANG MAGING KAPUSO ULTIMATE STAR SA GALLERY NA ITO:

Naging malaking pagsubok din nang mawala ang kaniyang Mommy Lydia na itinuturing niyang source ng kaniyang strength. Matatandaang pumanaw ang itinuturing ni Jennylyn na adoptive mom noong 2016. Pag-amin ni Jennylyn, ang pagkawala ng kaniyang Mommy Lydia ay pagkawala ng kaniyang source of strength.

“Nami-miss ko si mommy. Pangalawang contract signing ko na ito na wala siya. Ganito rin, para rin akong, alam mo 'yung parang may kulang? Pero alam kong masaya siya para sa akin,” sabi ng aktres.

Kahit wala na ang kaniyang Mommy Lydia, alam naman ni Jennylyn na proud ito sa kaniya matapos tuparin ang kaniyang mga pangarap na maging masaya sa buhay.

“Siguro dahil gusto niya na marami pa akong matutunan sa buhay, marami pa akong pagdaanan na talagang magagamit ko sa future,” sabi ng aktres.

Kung meron siyang mga pinagdaanan na pagsubok, meron din naman lessons na natutunan si Jennylyn, at iyon ay pagiging matatag sa lahat ng bagay.

“Kasi alam naman ng lahat na wala akong masasandalan. Wala akong pamilya, wala na 'yung nanay ko so ako na lang mag-isa, naitaguyod ko 'yung sarili ko. Kaya sabi ko nga, thankful ako na dumating din si Dennis dahil kahit papaano may katuwang na ako sa buhay,” sabi ng Ultimate star.