Celebrity Life

Kapuso stars, proud sa panalo ni Pacman

By CHERRY SUN


Muli na namang pinahanga hindi lamang ang mga Pilipino, kung hindi ang buong mundo sa lakas at gilas na ipinakita ni Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang laban kay Chris Algieri para sa WBO welterweight title kahapon.

Ilang celebrities din ang hindi napigilan ang pagbahagi ng kanilang saya sa nakamit ng tagumpay ng ating Pambansang Kamao.

Ani Heart Evangelista,“It’s always nice na meron tayong nagdadala ng ating bandera in a different country. Nakakataba ng puso.”

Nagpaabot din ng pagbati sina Julie Anne San Jose at Abra na nagkatrabaho kamakailan para sa isang kanta.

“Tito Manny, congratulations to you. I watched your fight, it was really a good one. So, more to come and good luck. Good luck to all your future endeavors,” sabi ni Japs.

“Kung kailangan mo ng intro song pandurog kay Mayweather, ako bahala. Idol!” pagsaludo naman ni Abra.

Ikinwento din ni Dingdong Dantes na isa siyang tagahanga ni Pacman.

“Syempre always naman akong isang Manny Pacquiao fan, lalo pagdating sa boxing. Kaya proud ako maging Pinoy. Marami namang pagkakataon pero ito ‘yung isa sa mga opportunities na pwede natin gamitin para isigaw sa buong mundo na kung gaano kagaling ang Pinoy,” saad ng Primetime King.

Ang Kapuso couple na sina Rocco Nacino at Lovi Poe, na involved din sa boksing, sabay pang nanonood ng laban sa isang hotel.

“So proud of Pacquiao. Ang ganda ng game niya today. I was looking for the knockout but then kita naman na nag-iingat lang naman din siya,” ani Rocco.