advertisement
Celebrity Life

TINGNAN: Ang buhay probinsya ng mga artista sa gitna ng COVID-19 outbreak

1 of 17

Andi Eigenmann

Mula June 2020 hanggang February 2021 ay nanatili sa Maynila si Andi Eigenmann kasama ang kanyang mga anak. Sumunod doon si Philmar Alipayo noong November at ipinanganak naman ang kanilang bunsong si Koa noong January. Gayunpaman, alam ng kanilang pamilya na ang Siargao ang kanilang tunay na tahanan at bumalik na sila ulit sa kanilang island home.

2 of 17

Glaiza de Castro

Sa Baler inabutan ng enhanced community quarantine si Glaiza de Castro, kanyang mga magulang, at nobyong si David Rainey. Namamalagi sila sa Casa Galura, kung saan abala ang aktres sa ilang gawaing bahay. Nakabalik na rin siya ng Maynila at nakabiyahe pa ng Ireland nang lumuwag ang travel restrictions. At nang muling maghipit ang quarantine ay bumalik siyang muli sa Aurora.

3 of 17

Mylene Dizon

Abala ngayon si Mylene Dizon sa sarili niyang vegetable garden sa kanyang bahay sa Silang, Cavite. Dito siya kumukuha ng kanyang makakain nang magsimula ang Luzon-wide enhanced community quarantine.

advertisement
4 of 17

Kyline Alcantara

Umuwi sa Bicol si Kyline Alcantara at ang kanyang pamilya bago maghigpit dahil sa enhanced community quarantine. Binisita ng aktres sa probinsya ang kanyang lolo at lola.

5 of 17

Alden Richards

Nananatili sa kanyang bahay sa Laguna si Alden Richards. Kamakailan, binuksan din niya ang kanyang sariling fast food branch sa Biñan.

6 of 17

Piolo Pascual

Matagal na panahon din ang inilagi ni Piolo Pascual at ng kanyang ina sa Batangas. Sa isa sa mga Instagram post ng aktor, ibinahagi niyang mula sa kanilang tinutuluyan sa probinsya ay tanaw nila ang isla ng Mindoro.

advertisement
7 of 17

Gwen Zamora and DJ Semerad

Pinili nina Gwen Zamora at DJ Semerad na manatili sa kanilang bahay sa Batangas habang mayroong enhanced community quarantine. Kasama rin nila sa probinsya ang kanilang anak na si Cooper. Mapapansin ang simpleng pamumuhay ng kanilang pamilya sa kanilang Semerad cabin, kung saan sila ang abalang magluto ng kanilang pagkain at abalang mag-exercise gamit ang improvised gym equipment.

8 of 17

Ellen Adarna

Umuwi sa Cebu si Ellen Adarna matapos ang kanyang bakasyon sa Indonesia. Sumailalim siya sa home quarantine bilang safety measure laban sa pagkalat ng COVID-19.

9 of 17

Rachel Peters

Nasa kanyang hometown sa Camarines Sur ang beauty queen na si Rachel Peters. Matapos sumailalim sa quarantine dahil galing siyang Maynila, tumulong na rin siya sa relief efforts ng kanyang fiancé na si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.

advertisement
10 of 17

Kris Aquino

Sa Puerto Galera namalagi si Kris Aquino at kanyang mga anak na sina Josh at Bimby matapos pinairal ang enhanced community quarantine. Noong una ay kinupkop sila ni Willie Revillame ngunit minabuti ng Queen of All Media na mangupahan muna sa isang beachfront na resort sa isla.

11 of 17

Willie Revillame

Pansamantala ring namalagi sa kanyang resort sa Puerto Galera si Willie Revillame at kanyang 'Wowowin' staff. Habang nasa isla ay tinulungan niya ang mga residente doon sa pamamagitan ng pagbbibigay ng mga donasyon. Noong April 13, 2020, pinayagan na silang makauwi sa Quezon City at minabuti nilang mag-live broadcast ng 'Wowowin' mula sa Wil Tower.

12 of 17

Daniel Matsunaga

Ilang buwan ding stranded sa Anilao, Batangas si Daniel Matsunaga at ang kanyang buong pamilya nang magsimula ang enhanced community quarantine noong March 2020.

advertisement
13 of 17

Gabby Concepcion

Sa kanyang farmhouse sa Lobo, Batangas inabutan ng enhanced community quarantine si Gabby Concepcion. Isang video tour din ang ibinahagi ng actor para ipasilip ang lugar kung saan siya kasalukuyang tumutuloy.

14 of 17

Bettinna Carlos

Ilang buwan matapos ikasal kay Mikki Eduardo, nilisan ni Bettinna Carlos ang kanyang tinutuluyang condo unit sa siyudad upang manirahan sa La Union kasama ang kanyang asawa at anak na si Gummy.

15 of 17

Manny Pacquiao, Jinkee and family

Nang lumuwag ang quarantine, nagkaroon ng pagkakataon ang pamilya nina Manny Pacquiao at Jinkee na umuwi ng General Santos City. Dito ay muli nilang nakapiling ang iba pa nilang kamag-anak at mga kaibigan. Nabisita rin ni Jinkee ang kanyang hometown sa Kitagas Katubao Kiamba, Sarangani kung saan sinariwa niya ang pagsakay sa kariton kasama ang kanilang mga anak.

advertisement
16 of 17

Ehra Madrigal

Noong April 2, 2021, ipinagdiwang ni Ehra Madrigal ang kanyang isang buong taong pamamalagi sa Nasugbu, Batangas. Marami raw siyang natutunan habang nakatira sa probinsya at sinusubok ng COVID-19 pandemic. Aniya, “Kung ako lang, kaya kong manirahan dito. Payak. Matiwasay. Mapayapa. My introvert self is thriving here.”

17 of 17

Joey Mead and Angie King

Pagkauwi ng Pilipinas matapos ma-stranded sa America, pinili nina Joey Mead at Angie King na manuluyan na sa kanilang farm house sa Batangas.