advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Basel Manadil, ang jowable Adopted Son of the Philippines from Syria

1 of 42

The Hungry Syrian Wanderer

Si Basel Manadil, o mas kilala sa tawag na Hungry Syrian Wanderer, ay isang vlogger sa YouTube na madalas tumulong sa mga Pilipino at tinatawag ang sarili niyang Adopted Son of the Philippines. Mayroon na siyang 2.17 million subscribers sa kasalukuyan.

2 of 42

Tulong sa mga basurero

Binigyan din ng konting tulong ni Basel ang mga basurero sa Las Piñas, kung saan siya nakatira, dahil batid daw niya na mahirap ang kanilang trabaho at para sa kanya, sila ay mga frontliners din ng COVID-19 pandemic.

3 of 42

Praised by the Megastar, Sharon Cuneta

Umani ng papuri mula kay Megastar Sharon Cuneta ang ginawang pagtulong ni Basel at tinawag niya itong "my new adopted son."

advertisement
4 of 42

Homs, Syria

Ayon kay Basel, siya ay mula sa pangatlong pinakamalaking siyudad sa Syria, ang Homs. Ngunit nang masira ang kanilang tahanan at magkagulo sa kanilang bansa dahil sa giyera, napilitan siyang mangibang bansa.

5 of 42

Moved to the Philippines at 18

Lumipat sa Pilipinas si Basel noong 18 years old siya at nag-aral ng kolehiyo. Nagtapos siya ng kursong Engineering sa University of Perpetual Help.

6 of 42

Magaling mag-Tagalog

Isa sa mga dahilan kung bakit kinagigiliwan si Basel ng kanyang mga subsrcibers at followers ay ang galling niyang magsalita ng Tagalog o Filipino. Minsan pa nga niyang inawit ang pambansang awit sa isa sa kanyang mga YouTube videos.

advertisement
8 of 42

Difficult times

Ayon kay Basel, nahirapan daw siya maghanap ng trabaho sa Pilipinas pagtapos niyang makapagtapos sa kolehiyo.

9 of 42

Basel, the vlogger

Ito ang nag-udyok sa kanya upang magsimulang mag-vlog.

10 of 42

Adopted son of the Philippines

Kilala si Basel sa mga vlog niya kung saan siya'y tumutulong sa mga Pilipinong nangangailangan.

advertisement
11 of 42

Exploring the Philippines

Ngunit kapag hindi siya tumutulong sa kapwa o gumagawa ng social experiments sa kanyang vlog, nag-eexplore din si Basel sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

12 of 42

Cultural immersion

Bukod sa sight-seeing, inaalam at isinasapuso rin ni Basel ang mga kaugalian at kultura ng mga Pilipino.

13 of 42

Commiserates with Filipinos

Minsan na ring sinubukan ni Basel mag-commute sa Maynila upang maintindihan ang dinaranas ng mga Pinoy commuters.

advertisement
14 of 42

Celebrates imrpovements

At, nakikibunyi rin si Basel kapag may mga magagandang pagbabagong nagaganap sa ating bansa.

15 of 42

Adopt don't shop

Mahilig sa mga pusa si Basel at maging kanyang mga pets ay Pinoy na Pinoy din: mga rescued puspin.

16 of 42

Puspin Love

Tatlo ang mga rescued puspin ni Basel, sina Maui Boy, Maki Boy, at Milky Boy. Galing sa salitang 'makina 'ang pangalan ni Maki Boy dahil natagpuan siya ni Basel sa makina ng kotse.

advertisement
17 of 42

Helping a homeless man

Isa sa most-viewed videos ni Basel ang pagtulong niya sa isang homeless na lalaking nagngangalang Agusto.

18 of 42

Grocery shopping

Dinala ni Basel sa isang supermarket si Agusto at ibinili ng mga pgakain at iba pang pangangailangan nito. Inabutan din niya ito ng tulong na pinansyal upang makabili ng gamot para sa kinakasama nitong may sakit.

19 of 42

Makeover and delicious dinner

Binigyan din ng makeover ni Basel si Kuya Agusto at isinama pa sa isang sosyal na restaurant upang maghapunan.

advertisement
20 of 42

Unexpected reunion

Matapos ang unang vlog ni Basel kasama si Kuya Agusto, nag-message sa kanya ang anak nitong babae na matagal nang nawalay sa kanya. Kaya naman ginawan ng paraan ni Basel upang magtagpo muli ang mag-ama.

21 of 42

68-year-old gasoline boy

Marami rin ang natuwa nang bigyan ng konting tulong ni Basel ang isang 68-year-old na gasoline boy na 47 years nang nagtatrabaho sa isang gas station. Binigyan niya ito ng groceries at 4,000 pesos para sa pagserbisyo nito sa kanyang kotse.

22 of 42

Merienda with street children

Minsan na ring dinala ni Basel sa isang sikat na fast food chain ang mga batang lansangan upang maranasan nilang kumain doon.

advertisement
23 of 42

Food for food delivery guys

Dahil naawa si Basel sa mga nag-viral online na food delivery riders na napagtripan ng ilang customers o nakansela ang orders, naisip niyang umorder ng pagkain at sa halip na kunin ito ay ibinigay niya ito sa mga riders at hindi na niya kinuha ang sukli ng kanyang 500 pesos na bayad.

24 of 42

Blankets and tents for Mindanao quake victims

Namakyaw ng 1,000 kumot at tents si Basel para sa mga nasalanta noon ng lindol sa Mindanao.

25 of 42

Help for Taal Volcano eruption victims

Personal din nagdala ng relief goods at face masks si Basel sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal. Nagluto rin siya at nagdala ng pagkain sa ilang mga Taal evacuees.

advertisement
26 of 42

Generous boss

Kilala rin bilang galante at mapagbigay na boss si Basel sa mga empleyado niya. At isa sa kanila ang nakatanggap ng kanyang dream bike bilang birthday gift.

27 of 42

A home for one of his employees

Mayroon pa ngang dating OFW na empleyado si Basel na bingyan niya ng bahay para hindi na nito kailangan magtrabaho pa abroad.

28 of 42

COVID-19 response

Marami nang ginawang pagtulong si Basel ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. Isa na rito ang pagluluto niya ng Pinakbet na ipinamigay niya sa ating mga kababayan.

advertisement
29 of 42

Vegetable donations

Namahagi rin ng maraming gulay si Basel sa mga Pinoy dahil ayon sa kanya mas healthy raw itong kainin.

30 of 42

Special project

Noong panahon ng Ramadan, humingi ng tulong si Basel sa kanyang fellow Muslims sa Mindanao para sa kanyang espesyal na proyekto.

31 of 42

Helping Muslims in Mindanao

Sa tulong nila, nakapaghatid ng kaunting tulong si Basel sa mga pamilyang Muslim sa Mindanao ngayong panahon ng pandemya.

advertisement
32 of 42

ECQ problems

Batid ni Basel na maraming Pilipino ang nawalan ng kabuhayan ngayong panahon ng community quarantine.

33 of 42

Hiring Construction workers

Kaya naman minabuti niyang bigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga construction workers na nakatira malapit sa kanyang milk tea shop. Kinuha niya sila para tumulong sa renovation ng kanyang shop.

34 of 42

GCQ

Noong naka-GCQ ang Metro Manila, namigay pa rin ng kaunting tulong si Basel sa mga taong nagbalik-trabaho.

advertisement
35 of 42

Pera o kotse?

May magandang sorpresa naman si Basel para kay Joe, ang loyal staff niya na binigyan niya ng dream bike kamakailan. Pinapili niya ito kung gusto niya ng kotse o cash.

36 of 42

Practical choice

Pinili muna ni Joe ang cash dahil 'di pa raw siya marunong mag-drive. Nilagay ni Basel sa isang malaking greeting card ang 20,000 cash na may kasamang touching at funny message.

37 of 42

Laptop for his staff

Binigyan din ni Basel ng Mac Air laptop ang isa sa kanyang staff, na dati niyang kaklase noon. Isa raw itong reward dahil first anniversary nito bilang staff sa kanyang diner.

advertisement
38 of 42

Gadgets for students and online sellers

Plano ni Basel na tulungan ang mga estudyante at ang mga nais magsimula ng online business ngayong GCQ. Kaya naman tumingin na siya ng mga tablets at smartphones na maaari niyang i-donate.

39 of 42

Salamat, Basel!

Salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo sa mga Pilipino. At tunay ka ngang may pusong Pinoy, Basel.

40 of 42

Aso ni Basel

Kamakailan ay nag-adopt ng aspin si Basel na may pangalang Luna.

advertisement
41 of 42

Break

Ikinuwento ni Basel noong Abril ng nakaraang taon na kinailangan niyang magpahinga sandali at tumigil sa pag-vlog ng isang linggo upang pangalagaan ang kanyang physical at mental health.

42 of 42

Kitchen tour

Malapit nang matapos ang dream house ni Basel at kamakailan ay nag-vlog na siya ng kanyang official kitchen tour.

43 of 42

Filipino citizen

Noong Araw ng Kalayaan ng 2021, inanunsyo ni Basel na isa na siyang naturalized Filipino citizen. Noong 2019 pa raw siya naging Filipino citizen ngunit ngayon lamang niya ibinahagi ito.

advertisement