advertisement
Celebrity Life

TINGNAN: Mga naipundar ng sikat na vloggers at social media stars

1 of 43

Camille Co 

Malapit na matapos ang pinapagawang dream house ng lifestyle vlogger na si Camille Co at kaniyang Finnish husband na si Joni Koro. Isa sa top beauty and fashion influencers sa YouTube at Instagram si Camille.

2 of 43

Baninay

May 1.84 million subscribers ang YouTube channel ni Baninay Bautista.

3 of 43

Bawal Judgmental

Proud condo owner ang vlogger na si Baninay at nakabili na rin siya ng sarili niyang lote at sasakyan. Nakapagtayo na rin siya at kanyang boyfriend na si Bont Bryan Orople, na isang vlogger din, ng isang restaurant sa Cavite at nakapagsimula na rin ng isang online merchandise.

advertisement
4 of 43

Bont Bryan

YouTube Gold Play button awardee na rin si Bont Bryan at may 1.78 million subscribers ang kaniyang channel.

5 of 43

Restaurant

Sa guest appearance ni Bont Bryan sa "Bawal Judgmental" ng 'Eat Bulaga,' nabanggit niya na nakapagpatayo siya ng sarili niyang restaurant sa edad na 21.

6 of 43

Christian Merck Grey

May 4.08 million subscribers ang YouTube channel ni Christian Merck Grey.

advertisement
7 of 43

Christian Bahay

Sa edad na 21, nakapagpundar na si Christian ng sarili niyang bahay noong 2018.

8 of 43

Anna Cay 

Isa sa mga kilalang beauty vlogger si Anna Cay. Ang official YouTube channel niya ay may mahigit 950,000 subscribers at mayroon na siyang 420,000 Instagram followers.

9 of 43

Forever home 

Bumili na si Anna Cay ng bagong condo unit sa Taguig, na magiging 'forever home' nila ng kanyang asawang si Geloy Villalobos. Ikinasal sila noong December 7, 2020 sa isang garden wedding. Sa isang vlog, ibinahagi rin ni Anna na malapit nang magbukas ang kanilang milk tea business.

advertisement
10 of 43

Caffey Namindang

Isa ring kilalang vlogger Caffey Namindang.

11 of 43

Caffey's house

Nabanggit ni Caffey sa guest appearance niya sa "Bawal Judgmental" noong December 2019 na nakapagpundar na siya ng sarili niyang bahay sa edad na 19 years old.

12 of 43

Lloyd Cadena

Dalawa ang YouTube channel ni Lloyd Cadena. Ang kanyang Lloyd Cafe Cadena channel ay may 5.84 million subscribers at ang Lloyd Café Cadena Vlogs ay may 3.6 million subscribers naman.

advertisement
13 of 43

Death

Isang malungkot na balita ang gumulantang sa vlogging community nang pumanaw si Lloyd noong September 4, 2020. Bago siya namatay, regular siyang nagbibigay ng update sa kanyang fans, na kilala bilang Cadenators, tungkol sa mga development ng kanilang bagong family home.

14 of 43

Wil Dasovich

May dalawang channel si Wil Dasovich: ang Wil Dasovich na may 2.7 million subscribers at Wil Dasovich Vlogs na nakapagtala ng 986,000 subscribers.

15 of 43

New condo unit

Ipinasilip niya ang kanyang bagong condominium unit sa vlog niya noong November 18, 2019.

advertisement
16 of 43

Ranz Kyle

Isa sa biggest social media stars sa Pilipinas si Ranz Kyle, katulad ng nakababatang kapatid niyang si Niana. Ang kaniyang sariling YouTube channel ay may mahigit 14.9 million subscribers habang may 13.9 million followers naman ang kaniyang Facebook page. May 5.7 million Instagram followers at 864,000 Twitter followers din siya.

17 of 43

Dream car

Nabili ni Ranz Kyle ang kanyang dream car, isang Mustang, noong 2017. Mapapanood sa kanyang YouTube channel ang pagbili niya nito.

20 of 43

JaMill

Iba rin ang hatak online ng YouTube personalities na sina Jayzam Manabat and Camille Trinidad, na kilala bilang “JaMill.” Sa katunayan ang kanilang Ja Mill channel ay may 11.8 million subscribers na.

advertisement
21 of 43

House tour

Isa rin ba kayo sa nanood ng house tour ng Ja Mill na may nine million views na sa YouTube?

22 of 43

Mimiyuuuh

Isa sa pinaka-'in demand' na YouTubers at endorsers ngayon si Mimiyuuuh. Ang kanyang channel ay may 4 million subscribers na ngayon. Nakilala ang sikat na vlogger at influencer sa kanyang viral video na "Dalagang Pilipina.”

23 of 43

House and car 

Matapos ang mahigit isang taon simula nang sumikat si Mimiyuuuh, nakalipat na siya sa bago niyang bahay na may swimming pool pa! Noong January 30, 2021, ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel na nakapagpundar na rin siya ng sasakyan.

advertisement
24 of 43

David Guison

May 324,000 subscribers naman ang YouTube channel ng lifestyle vlogger and content creator na si David Guison.

25 of 43

David's investment

Tiyak isa kayo sa mapapahanga sa mga stylish OOTD ng content creator na si David Guison. At bunga ng kanyang pagtitiyaga bilang social media influencer at vlogger, nakapag-pundar na si David ng isang condo unit at may bago din siyang Ford Territory.

26 of 43

Lincoln Velasquez

Ang YouTube channel ni Lincoln Velasquez na Cong TV ay may tumataginting na 9.62 million subscribers.

advertisement
27 of 43

Lincoln Navigator

Mga kwelang content ang bentahe ng vlog ni Lincoln, o mas kilala sa pangalang Cong, kaya naman binabalik-balikan ng netizens ang kanyang channel. Dahil sa kanyang milyun-milyong views, nakapagpundar na si Cong ng isang luxury SUV, ang Lincoln Navigator. Ayon sa cars.usnews.com, ang isang Lincoln Navigator ay may base price na $ 77,000 o mahigit-kumulang Php 3.7 million.

28 of 43

Viy Cortez

Ang girlfriend ni Cong na si Viy Cortez ay patuloy din ang pag-asenso dahil sa pagva-vlog. Sa ngayon ay may 5.55 million subscribers na siya sa kaniyang channel.

29 of 43

Family home

Bukod sa kanyang cosmetic line, nakapagpundar na rin si Viy ng bahay para sa kanyang pamilya dahil sa pagba-vlog. Sa kanilang bagong bahay, may sarili siyang kwarto, gayundin ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Naglaaan din ng guest room si Viy sa kanilang bagong bahay.

advertisement
30 of 43

Benedict Cua

Ang Chinito vlogger na si Benedict Cua ay may 1.61 million subscribers na sa YouTube

31 of 43

Condo

Sa kanyang January 9, 2021 vlog, ipinakita ni Benedict ang katas ng kinita niya sa pagiging vlogger--ang kanyang bagong condo unit. Ika niya sa kanyang subscribers, "You made my dreams come true."

32 of 43

Anne Clutz

May dalawang YouTube channel ang beauty vlogger na si Joanne Clutario o mas kilala sa pangalang Anne Clutz. Ang kanyang Anne Clutz YouTube channel, kung saan niya ina-upload ang kanyang mga vlog tungkol sa makeup at skincare, ay may 1.42 million subscribers. Samantalang ang kanyang anneclutzVLOGS channel, kung saan naman niya ina-upload ang kanyang mga vlog tungkol sa family and lifestyle, ay may 1.05 million subscribers naman.

advertisement
33 of 43

Business

Tulad ng ibang vloggers, nakapundar ng bahay at mga negosyo si Anne dahil sa YouTube. Sa ngayon ay dalawa ang negosyong mina-manage ni Anne: ang kanyang makeup brush line at beauty soap business.

34 of 43

Zeinab Harake

Ang social media influencer at vlogger na si Zeinab Harake ay may tumataginting na halos 12 million subscribers sa kaniyang YouTube channel.

35 of 43

House

Tulad ng ibang vloggers, nakapundar na rin si Zeinab ng bahay. Sa kanyang January 8, 2021 vlog, ipinakita niya ang kanyang kuwarto sa bago nilang bahay.

advertisement
36 of 43

 Kimpoy Feliciano

YouTuber and actor Kimpoy Feliciano

37 of 43

Kimpoy assets

Living the dream ang YouTube vlogger na si Kimpoy Feliciano dahil this 2021 ay nagkaroon na siya ng sariling bahay at nakabili rin ng bagong sasakyan.

38 of 43

Laureen Uy

Bago sinimulan ni Laureen Uy ang kaniyang YouTube channel na may mahigit sa 300,000 subscribers, kilala na siya sa mundo ng fashion blogging dahil sa kaniyang 'Break My Style' blog.

advertisement
39 of 43

Laureen dream

Bakas ang ngiti sa mukha ni Laureen Uy dahil matapos ang 17 taon na pagta-trabaho ay nakabili na siya ng pinapangarap niyang beach lot. Parehong pag-aari ni Laureen at kaniyang kuya na si Vince Uy ang beachfront property na matatagpuan sa La Union.

40 of 43

 Jiji Plays

Nakakamangha ang achievement ni Jhewelry Hershey Dela Cerna o mas kilala bilang Jiji Plays.

41 of 43

Eat Bulaga

Sa panayam ng 'Eat Bulaga' nang mag-guest si Jiji sa 'Bawal Judgmental,' nagawa raw nito na magpatayo ng bahay sa murang edad na 15 years old. Isang streamer, vlogger, at TikToker ang social media teen sensation.

advertisement
42 of 43

Kimpoy vacation house

Matapos bumili ng isang ultra modern house sa San Mateo, Rizal, may bagong investment na ipinakita si Kimpoy Feliciano.

43 of 43

Tagaytay

Sa kanyang vlog noong August 23, nagbigay siya ng exclusive tour ng kanyang two-story vacation house sa Tagaytay.

44 of 43

Sachzna Laparan

Tinuturing na isang social media darling ng kaniyang supporters si Sachzna Laparan na may milyun-milyong followers sa Facebook, Instagram, at YouTube. Pero sa edad na 24 years old, pinili ni Sachzna na mag-branch out at magtayo ng sarili niyang skincare brand.

advertisement
45 of 43

Sachzna as CEO

Sa panayam kay Sachzna ng Village Pipol noong 2021, ikinuwento niya na hands-on siya sa kaniyang negosyo.

Sabi niya, “Yung packaging and, of course, yung formulation ng skincare ko, 'yon talaga yung pinaka importante. Kasi naniniwala ako na aside from good marketing and sales strategy, ang importante talaga is yung effectiveness ng brand. Ayan talaga yung matatandaan ng mga tatangkilik ng product. I want S by Miss Flawless to be recognized not because I'm the CEO of the brand but of course because my brand is effective and it also helps other people to bring out the best in them.”