advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Ang mga babae sa buhay ni Derek Ramsay

1 of 16

Andrea Torres

Si Andrea Torres ang huling nakarelasyon ni Derek Ramsay. Halos dalawang taon nagsama ang dalawang Kapuso stars, simula noong bumida sila sa TV series na 'The Better Woman' (2019) hanggang sa isapubliko nila ang kanilang hiwalayan noong November 2020.

2 of 16

Ellen Adarna

Matapos ang breakup ng aktor at ni Andrea Torres, si Ellen Adarna ang pinakabagong babaeng nali-link kay Derek Ramsay. Bago magtapos ang February 2021, kinumpirma na ng Kapuso hunk ang kanilang relasyon.

3 of 16

Solenn Heussaff

Tinapos nina Derek Ramsay at Solenn Heussaff ang kanilang four-year relationship noong 2006. Makaraan ang siyam na taon, muli silang nagkasama para sa pelikulang 'Love is Blind.' Ayon sa Kapuso hunk, malaki ang impact ni Solenn sa kanyang buhay.

advertisement
4 of 16

Angelica Panganiban

Makalipas ang anim na taon ay nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban.

5 of 16

Cristine Reyes

Mabilis ang pagsisimula ng relasyon nina Derek Ramsay at Cristine Reyes dahil naging magkaibigan muna sila ng tatlong taon. Gayunpaman, halos isang buwan lang din ang inabot ng kanilang romantic relationship.

6 of 16

Joanne Villablanca

Naging magkasintahan si Derek Ramsay at commercial model na si Joanne Villablanca noong 2013. Nagsama na sila sa iisang bubong simula 2017 hanggang sa magkahiwalay sila noong 2019.

advertisement
7 of 16

Mary Christine Jolly

Nagulat ang publiko nang pumutok ang balitang ikinasal na pala noong 2002 si Derek Ramsay kay Mary Christine Jolly. Nagbunga ng isang anak ang kanilang relasyon, at ito ay si Austin, na kasalukuyang nasa poder ni Derek. Noong 2020, kinumpirma ng Kapuso hunk na napawalang-bisa na ang kanilang kasal.

8 of 16

Anne Curtis

Inamin ni Anne Curtis na niligawan siya noon ni Derek Ramsay ngunit walang namagitan sa kanilang dalawa. Nagkasama ang dalawang aktor sa romantic-drama movies na 'No Other Woman' (2011) at 'A Secret Affair' (2012).

9 of 16

Jennylyn Mercado

Si Jennylyn Mercado ang isa sa celebrated leading ladies ni Derek Ramsay. Nagtambal ang dalawang Kapuso stars sa 'English Only, Please' (2014) at sa 'All Of You' (2017).

advertisement
10 of 16

Bea Alonzo

Kumalat man ang balita noong nabuntis daw ni Derek Ramsay ang kanyang dating leading lady na si Bea Alonzo, hindi nabahiran ng isyung ito ang kanilang pagkakaibigan. Nananatiling close ang dalawa sa isa't isa.

11 of 16

Lovi Poe

Naging magkatambal din on screen sina Derek Ramsay at Lovi Poe para sa pelikulang 'The Escort' (2016).

12 of 16

Jessy Mendiola

Naging leading lady na rin ni Derek Ramsay si Jessy Mendiola sa pelikulang 'Mga Mata sa Dilim' (2019).

advertisement
13 of 16

Kiray Celis

Naging on-screen partners sina Derek Ramsay at Kiray Celis para sa pelikulang 'Love Is Blind' (2016). Kung best kisser para sa komedyante si Derek, “hottest leading lady” naman daw ang turing ng aktor kay Kiray.

14 of 16

Jean Kaye dela Cruz

Pamilya na ang turing ni Derek Ramsay sa kanyang loyal personal assistant na si Jean Kaye dela Cruz.

15 of 16

Niece

Isang malambing na tito si Derek Ramsay sa kanyang mga pamangkin.

advertisement
16 of 16

Remedios Ramsay

Maraming babae man ang naging bahagi ng buhay ni Derek Ramsay, number one pa rin sa puso niya ang kanyang inang si Remedios Ramsay.