Celebrity Life

Max Collins reveals relationship status with Pancho Magno

By ANN CHARMAINE AQUINO
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Sa FHM pocket press conference ni Max Collins, ni-reveal ng March cover girl sa members of the press ang kanyang relationship status sa Kapuso actor na si Pancho Magno. Ano nga kaya ang bago sa kanila ni Pancho?

Ikinuwento ni Max na hindi siya nagpaalam sa aktor bago siya mag-pose sa sikat na men's magazine.

Aniya, "Hindi ko naman po kailangang magpaalam sa kanya kasi hindi po kami."

Kuwento ng ilang members ng press, nang ma-interview nila si Pancho tungkol sa pag-pose ni Max sinabi umano nito na hindi siya kumportable sa pag-pose ni Max ng sexy. Nagbigay naman si Max ng kanyang pahayag kaugnay rito.

"Choice din naman niya 'yun. Choice niya talaga 'yun pero career ko 'to," pahayag ni Max.

Dagdag ni Max, "Nag-usap kami, sinabi ko naman sa kanya before na mag-pose ako."

Ibinahagi rin ni Max na hindi na sila nagdi-date ni Pancho.

"We're not dating anymore."

Pahayag ni Max, hindi umano naging official ang kanilang relationship. "Dating kami, dating stage. So now it's like no more dating," saad ni Max.

Isang factor daw ang kanyang work schedule kaya natigil umano sila sa pagkikita. Aniya, "Well, honestly wala akong time sobrang busy din ako sa soap (Kailan Ba Tama ang Mali?), sa Bubble Gang, sa SAS (Sunday All Stars) and ngayon din sa mga photo shoot. So, we really don't have time to see each other".

Nilinaw rin ni Max na hindi siya nakikipag-date ngayon dahil sa kanyang mga priorities.

"Wala akong time sa ngayon, focused ako sa career kasi nag-shift na ako ng career path so sana tuloy tuloy na."