advertisement
Celebrity Life

New beginnings: Allan K starts new businesses after bankruptcy

1 of 14

Japanese resto

Proud na proud si Allan K. na ishinare sa kanyang Instagram account ang kanyang bagong negosyo na Japanese restaurant na tinawag niyang Koban.

2 of 14

Authentic

Ipinagmamalaki ni Allan K. na nagse-serve sila ng authentic Japanese food sa kanyang bagong resto gaya ng ramen, sashimi, sushi, at bento boxes.

3 of 14

Support

Nakatanggap naman ng suporta si Allan K. mula sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa industriya. Ilan lamang sa mga bumisita sa kanyang Japanese restaurant ang mga Kapuso stars na sina EA Guzman at Shaira Diaz.

advertisement
4 of 14

Reunion

Favorite reunion spot din ito ng mga nakasama ni Allan K. sa Klownz at Zirkoh tulad ng stand-up comedians na sina Boobay at Boobsie.

5 of 14

John Lloyd Cruz

Maging si John Lloyd Cruz ay nagpaabot ng suporta kay Allan K. sa pamamagitan ng pag-dine in sa restaurant.

6 of 14

Eat Bulaga

Ang dating executive ng TAPE at 'Eat Bulaga!' na si Malou Choa-Fagar at talent manager na si Bernard Cloma ay malugod ding winelcome ni Allan K. sa Koban.

advertisement
7 of 14

Entertainer

Entertainer sa Japan si Allan K. bago siya pumasok sa showbiz noon kaya malapit sa kanyang puso ang nasabing bansa.

8 of 14

Interior

Madarama ang "Japan feels" sa loob ng restaurant dahil sa interior design nito.

9 of 14

Painting

Sa larawang ito, makikitang si Allan K. mismo ang nagpipinta ng Mt. Fuji temple sa isang pader ng restaurant.

advertisement
10 of 14

Zirkulo

Noong August 24, 2021, masayang ibinahagi ni Allan K. ang kanyang newest business--ang Zirkulo restobar--na located sa BF Resort Village sa Las Piñas City.

11 of 14

Al fresco

Gaya ng Klownz at Zirkoh, makulay at masaya ang dating ng restobar. Ang kaibahan lang, ito ay al fresco at maraming halaman na nakapalibot dito na perfect dining space ngayong panahon ng pandemya.

12 of 14

Construction

May ilan pang kailangang gawin sa bagong restobar ni Allan K. pero makikita na buo na ang konstruksyon nito.

advertisement
13 of 14

Romantic

May pagka-romantic din ang vibe ng restobar na perfect sa mga makikipag-date.

14 of 14

Lockdown

Ayon kay Allan K., handa na silang mag-operate ngunit na-postpone ito dahil sa umiiral na community quarantine sa NCR.