Celebrity Life

Marian Rivera on Dingdong running for senator: 'Kung ano man ang gusto niya, palagi akong nandoon sa likod niya'

By MICHELLE CALIGAN

Matagal nang espekulasyon ang pagsabak ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa pulitika, at nitong Lunes, April 27, ay kasama si Dong sa listahang inilabas ng Liberal Party ng mga napipisil nilang kumandidato bilang senador.

Bago pa man lumabas ang balita ay nahingan na ng pahayag ang maybahay ni Dong na si Marian Rivera tungkol sa posibilidad ng pagtakbo ni Dong. Itinanggi ito ng aktres, pero susuportahan naman niya ang asawa kung sakaling magbago ang isip nito.


"Kung umoo man siya o humindi, kung ano man ang gusto niya, sabi ko nga, palagi akong nandoon sa likod niya. Naniniwala ako na if ever dumating sa pagkakataon na buksan niya ang puso at isip niya na tumulong sa iba pang mga kabataan, siyempre magiging proud ako dahil alam ko sa isip at puso niya ay talagang matulungin siya. At nasa puso niya na gusto talaga niya ang ginagawa niya," saad ng Kapuso Primetime Queen, na ngayo'y dinadala ang panganay nila ng Pari 'Koy star.

READ: Marian Rivera is two months pregnant 

Aniya, kahit hindi pasukin ni Dong ang pulitika ay marami naman itong natutulungan. Kahit nakabasyon silang mag-asawa sa Korea kamakailan ay hindi nito tinalikuran ang kanyang responsibilidad.

LOOK: Mr. and Mrs. Dantes in Korea

"Nasa NYC (National Youth Commission) siya, tapos may Yes Pinoy Foundation pa siya, at very active talaga siya sa mga kalamidad na nangyayari. Nasa Korea kami, wala siyang ginawa kungdi mag-post kung ano ang gagawin kapag may sakunang mangyayari. Nakakatuwa na kahit nasa bakasyon kami, mayroon pa rin talagang space na kailangan niyang gawin ito para sa mga tao na nangangailangan talaga."

Hindi rin problema kay Yan ang pagiging abala ni Dong sa mga non-showbiz commitments nito.

"After kami umuwi galing sa Korea dumiretso pa siya sa meeting kung ano ang gagawin nila. Okay na 'yun. As long as nakakatulong siya at happy siya sa ginagawa niyang pagtulong, masaya ako para sa kanya."