advertisement
Celebrity Life

All the times Herlene 'Hipon Girl' Budol showed she's pageant-ready

1 of 10

Experience

Hindi na bago kay Herlene Budol ang pagsali sa mga beauty contest kaya naging training na rin niya ito bago pa man sumabak sa mas malaking beauty pageant sa bansa. Elementary pa lang siya ay mahilig na siyang sumali sa mga beaucon kaya naman binansagang siyang "beauconera." Madalas mang talo, nasungkit naman niya ang kanyang first-ever win nang tanghaling Binibining Angono noong 2017.

2 of 10

Bone structure

Ang height at hubog ng katawan ang bentahe ni Herlene kaya malakas ang loob niyang sumali sa mga beauty contest. Ang tangkad niyang 5'9" ay swak na swak sa pageantry.

3 of 10

Bikini-ready

Suki rin si Herlene ng mga swimsuit competitions at nanalo. Sa katunayan, ito pa ang naging daan para mapanood siya sa TV matapos maghanap ang game show na 'Wowowin' ng bikini open winners. Swerte namang natawagan si Herlene at naging contestant sa Wil of Fortune segment ng nasabing palabas noong 2019.

advertisement
4 of 10

On-cam stint

Nagkaroon pa ng pagkakataong maging host ng 'Wowowin' si Hipon nang dalawang taon matapos siyang kaaliwan sa programa dahil sa kanyang pagiging natural na komedyante. Ayon kay Herlene, naging speech therapy niya ito para ma-improve ang kanyang pagho-host.

5 of 10

Confidence

Marami rin ang nagustuhan ang pagiging confident at totoo ni Herlene sa kanyang sarili kahit aminadong marami siyang insecurities.

6 of 10

Preparation

Labis ang paghahandang ginawa ni Herlene para sa kanyang pangarap na makasali sa Binibining Pilipinas. Nag-enroll pa siya sa beauty camp na Kagandahang Flores ng beauty pageant mentor at events organizer na si Rodgil Flores. Payo nga sa kanya ng dating beauty queen at 'False Positive' co-star niyang si Alma Concepcion, "over preparation is better than under preparation."

advertisement
7 of 10

Willing to learn

Aminado si Herlene na hindi siya kagalingan magsalita ng Ingles kaya isa ito sa mga pinag-aaralan niya.

8 of 10

Honesty

Matapos sabihing mag-aaral ng Ingles, napagdesisyunan ni Herlene na wikang Filipino ang gagamitin niya sa Q & A portion ng Bb. Pilipinas 2022.

9 of 10

Image

Beauty queen material talaga si Herlene! Mula sa pagiging 'Hipon Girl,' pinatunayan niyang kaya niyang mag-transform into a promising beauty queen.

advertisement
10 of 10

Advocacy

Hindi lang tangkad at kaseksihan ang advantage ni Herlene dahil ang tunay na panlaban niya sa Bb. Pilipinas 2022 ay ang kanyang adbokasiya tungkol sa autism. Aniya, "Nais kong makatulong sa pagmulat sa mga magulang ng importance ng maagang detection ng autism para lumaki ang batang may autism na may medical attention at sila ay maging kapakipakinabang na mamamayan paglaki nila. Importanteng magkaroon ng speech and occupational therapy dahil I believe the children are our future."