advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Showbiz personalities pay tribute to Jovit Baldivino

1 of 7

Kakai Bautista

Nakaaantig na mensahe ni Kakai Bautista para kay Jovit Baldivino, “Pre' napakabilis naman. Maraming Salamat sa Napakahusay at magandang musika mo. Hinding hindi ko to nakakalimutan kasi paulit-ulit ka na “kaya mo yan” bago tayo mag perform kase sobrang kabado ako ang hirap mong gayahin!!! Salamat sa kabutihan mo. You will be remembered and missed. Prayers for you and your Family. May you rest in peace.”

2 of 7

Kiray Celis

Hindi makapaniwala ang comedienne-actress na si Kiray Celis sa biglaang pagpanaw ng kaniyang kaibigan na si Jovit Baldivino.

Sa Facebook, isang video ang ibinahagi ni Kiray kung saan magkasama sila ni Jovit, ang boyfriend ng aktres na si Stephan Estopia, at ilan pang mga kaibigan na ini-enjoy ang kanilang boat ride habang nagkakantahan.

Ayon sa caption ni Kiray, “Jovit.... totoo ba to? Ang saya saya pa natin dito… hindi ka lang naging mabuting kaibigan samin, para ka na naming kapatid eh [sad face emoji] mamimiss ka namin. At mahal na mahal ka namin! [crying, heart emojis].”

3 of 7

Marcelito Pomoy

Isang nakaaantig na post ang mababasa sa Instagram account ng singer na si Marcelito Pomoy tungkol sa pagpanaw ni Jovit Baldivino.

Sina Marcelito at Jovit ay mga kampyeon ng talent search na Pilipinas Got Talent.

Ayon sa post ni Marcelito, “Parekoy…. 3:33AM this morning pinipilit ka pa naming kausapin at gisingin baka magmilagro pa… sobrang sakit mawalan ng isang kaibigan… no more pain parekoy… isa kang tunay na kaibigan… hinding hindi kita malilimutan… From the day na tinakbo ka sa ICU… pinuntahan agad kita… talked to the family if we can raise funds for you… If we can do concert for a cause for you but it's too late now… contacted all the generous and people with a big heart all over the world to help you parekoy… Thank you so so much to all those who helped Jovit… Thank you for being with us during Jovit's fight.”

advertisement
4 of 7

Gary Valenciano

Si Gary Valenciano ay hindi rin makapaniwala sa balitang pumanaw na ang kapwa niya singer na si Jovit Baldivino.

Ayon sa tweet ni Gary, “Parang I still can't believe this. I'll never forget how I would always wait to hear his parts in ASAP. He always got to prove why he was Pilipinas Got Talent's champion. I always always always would try to encourage him to keep shining. Sing for Jesus when you see Him Jovit.”

5 of 7

Angeline Quinto

Kabilang sa showbiz personalities na nagluluksa sa pagkawala ni Jovit ay si Angeline Quinto.

Sa Instagram account ni Angeline, makikita ang isang post na inilaan niya para sa kaniyang pumanaw na kaibigan.

Sulat niya sa kaniyang post, “Paalam Jovs. Hinding hindi kita makakalimutan. Salamat sa pagkakaibigan at pagkakataon na makatrabaho kita. Pasayahin at kantahan mo sila dyan sa langit ah Jovs. @jovitbaldivino, mahal kita Jovit.”

6 of 7

Dulce

Ipinost ni Dulce sa kaniyang Facebook account ang isang larawan kung saan makikita siyang kumakanta kasama si Jovit Baldivino.

Ayon sa kaniyang caption, “This is our only picture I can find for now Jovit, we're on stage Manila Hotel performing together with Marcelito Pomoy. Rest now Jovit Baldivino…”

advertisement
7 of 7

Family Feud

Bukod sa celebrities, ang GMA game show na Family Feud Philippines ay nagluluksa rin sa pagkawala ni Jovit Baldivino.

Kasunod ng malungkot na balita, naglabas ng video tribute ang naturang programa para sa pumanaw na singer.