Celebrity Life

Dingdong Dantes, excited to celebrate Father’s Day for the first time

By CHERRY SUN

Ilang buwan nalang at magiging ganap na tatay si Dingdong Dantes. Kaya naman, sa darating na linggo ay magse-celebrate na sila ni Marian Rivera ng Father’s day sa unang pagkakataon.

LOOK: Marian Rivera’s growing baby bump 

“Bilang first timer ako, hindi ko talaga alam kung paano siya sine-celebrate but I’m really excited,” aniya sa panayam ng 24 Oras.

Ayon sa ulat ay alam na rin ng Kapuso Primetime Couple ang kasarian ng kanilang panganay na anak. Gayunpaman, hindi raw muna nila ibabahagi ito sa publiko.

Paliwanag ni Dong, “Magve-verify pa kami kasi we are having another check up sa mga darating na araw o sa darating na linggo.”

LOOK: Meet the five expectant celebrity dads 

Very proud din si Dingdong sa kanyang misis na cover girl ngayong buwan sa UNO magazine

“Sabi ko, ‘habang pwede, ‘di ba, ay gawin mo.’ But I mean, it was tastefully done,” pahayag nito.