advertisement
Celebrity Life

LOOK: Pinoy celebrities na iniwan ang showbiz para sa buhay-abroad

1 of 50

LJ Reyes 

Setyembre taong 2021 nang magdesisyon ang aktres na si LJ Reyes na manirahan na muna sa Amerika kasama ang kaniyang mga anak na sina Aki at Summer matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ng aktor na si Paolo Contis. Simula noon ay hindi na napanood si LJ sa TV programs at maging sa pelikula.

2 of 50

Jaya 

Upang makabawi sa problemang dinala ng pandemya, Hulyo taong 2021 nang umalis si Jaya at ang kanyang buong pamilya sa Pilipinas upang manirahan na sa Amerika. Ngunit hindi rin agad naging madali ang kanilang adjustment lalo na nang masunog ang kanilang tinitirhang bahay doon. Sa tulong ng kamag-anak at mga kaibigan ay agad namang nakalipat ng bagong bahay sina Jaya. Sa ngayon naman ay patuloy pa rin ang pagpe-perform ni Jaya sa mga kapwa niya Pilipino sa Amerika.

3 of 50

Migo Adecer

Abril ng 2021 nang opisyal na magpaalam sa kanyang Pinoy fans ang 'StarStruck' Season 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer sa showbiz sa pamamagitan ng Instagram post. "Thank you for the memories and thank you for the support!" ani Migo sa kanyang post bago magtungo sa Australia. Ilang buwan lamang matapos ito, ikinasal naman si Migo sa kanyang non-showbiz partner na si Katrina Mercado sa Hong Kong.

advertisement
4 of 50

Ruby Rodriguez

Gaya ng kaibigang si Jaya, taong 2021 din nang lumipad patungong Amerika ang dating 'Eat Bulaga' host na si Ruby Rodriguez upang manirahan na doon at matutukan ang pagpapagamot ng kanyang anak na si AJ na mayroong rare medical condition. Ngayon ay kasalukuyang nagtatrabaho si Ruby sa Philippine Consulate sa Los Angeles, California.

5 of 50

Liza Soberano

Sa ulat nitong January 23, pinili na ng aktres na si Liza Soberano na lumipat sa Los Angeles, California hindi para tumigil sa showbiz, kung 'di para tuloy-tuloy na subuking pasukin ang show business sa international scene. Sa isang vlog kasama ang Filipino-American makeup artist na si Patrick Starrr, ibinahagi ni Liza ang kanyang planong big career move.

“That's just because it is much easier to build my career if I am out here (referring to LA) because they are always, constantly, looking for, like, in-person meetings and it's just hard to book the job when you're meeting people over Zoom. They can't really tell what your personality is like or they can't see what you actually look like.” aniya.

6 of 50

Asia Agcaoili

Sa isang episode ng 'Mars Pa More' noong March 2021, nakapanayam ng programa ang dating miyembro ng Viva Hot Babes na si Asia Agcaoili o Junelyn Alexis Agcaoili sa totoong buhay. Ngayon ay masaya nang naninirahan sa New Zealand ang dating sexy actress kasama ang kanyang pamilya.

advertisement
7 of 50

Ron Morales

Kasalukuyan na ring naninirahan ngayon sa Canada ang hunk actor na si Ron Morales kasama ang kanyang pamilya, kabilang ang kanyang asawa na si Victoria Villamin at mga anak na sina Andres at Anika. Unang nakilala si Ron sa 'Be Bench: The Model Search' taong 2007.

8 of 50

Carol Banawa

Nagtatrabaho na ngayon bilang perioperative nurse ang Filipino singer-actress na si Carol Banawa sa Amerika. Kasama ni Carol sa naturang bansa ang kanyang asawa na si Ryan Crisostomo at mga anak na sina Chelsea at River.

9 of 50

Beth Tamayo 

Sa San Francisco, California na nakabase ang aktres na si Beth Tamayo kasama ang kanyang asawa na si Adam Hutchinson at anak na si Sloane Isabelle. Marso lamang taong 2021 nang ikasal sina Beth at Adam.

advertisement
10 of 50

Joyce Jimenez

May bagong buhay na rin ngayon sa Amerika ang dating sexy actress na si Joyce Jimenez kasama ang Filipino-American US Air Force na kanyang asawa na si Paul Ely Egbalic. Ikinasal sina Joyce at Ely taong 2008. Mayroon silang tatlong anak na sina Jorja Ely, Jaysen Elise, at Julian Elysson.

11 of 50

Nancy Castiglione

Nagsimula na rin ng bagong buhay ang dating aktres na si Nancy Castiglione kasama ang kanyang pamilya sa Canada.

12 of 50

Cindy Kurleto

Sa Vienna, Austria na napiling manatili ng former actress, model at VJ na si Cindy Kurleto kasama ang kanyang pamilya matapos manirahan nang walong taon sa Peru.

advertisement
13 of 50

Ehra Madrigal

Matapos ikasal sa Pilipinas taong 2017, sa Amerika na nakatira ang aktres na si Ehra Madrigal kung saan kasama niya ang asawang si Tom Yeung.

14 of 50

G. Tongi

Successful din ang naging career move sa Amerika ng dating aktres na si Giselle Anne Tongi o mas kilala bilang G. Tongi. Ngayon ay isa na siyang ganap na TV show producer sa nasabing bansa at masayang namumuhay kasama ang kanyang asawa na si Tim Walters at kanilang mga anak na sina Sakura at Kenobi.

15 of 50

Jewel Mische

Tahimik na buhay sa Amerika ang napili ng dating aktres na si Jewel Mische matapos siyang ikasal sa kanyang asawa na si Alister Kurzer. Ngayon ay may dalawa na silang anak na sina Aislah Rose at Emerald Jade.

advertisement
16 of 50

Anjanette Abayari

Isa na ngayong American citizen ang dating beauty queen at aktres na si Anjanette Abayari. Kasama ni Anjanette sa Corona, California ang kanyang pamilya at dalawang anak.

17 of 50

Kim delos Santos

Nagtatrabaho na rin ngayon bilang isang dialysis nurse ang dating 'T.G.I.S.' star na si Kim delos Santos sa Texas, U.S.A.

18 of 50

Tootsie Guevara

Maganda rin ang pamumuhay ngayon ng singer-actress na si Tootsie Guevara sa Amerika. Bukod sa pagiging isang Marketing Manager, tuloy pa rin sa pagpe-perform si Tootsie bilang isang L.A. based singer. Taong 2003 nang magdesisyon si Tootsie na mag-migrate sa Amerika kasama ang kanyang Italian-American businessman husband na si Mike Monaco at kanilang mga anak.

advertisement
19 of 50

Princess Punzalan

Balik na ngayon sa pag-arte ang sikat na aktres na si Princess Punzalan o Bernadette Vela Punzalan sa totoong buhay, nang makasama siya sa American TV series na 'The Cleaning Lady.' Taong 2005 nang lisananin ni Princess ang Pilipinas upang magtrabaho sa Amerika bilang isang nurse. Kasal ang aktres sa kanyang asawa na si Jason Field.

20 of 50

Belinda Panelo

Sa Amerika na rin naninirahan ang commercial model at VJ na si Belinda Panelo kasama ang kanyang pamilya.

21 of 50

Julia Clarete

Mahigit isang dekadang naging host ng longest-running noontime show sa bansa na 'Eat Bulaga' ang dating TV host-actress na si Julia Clarete bago niya piliin na manirahan sa bansang Malaysia kasama ang noo'y kanyang boyfriend at ngayon ay kanyang asawa na na si Gareth McGeown.

advertisement
22 of 50

Gian Magdangal

Bagamat sa Japan na naninirahan kasama ang kanyang Australian girlfriend na si Melissa Bell, bumabalik-balik pa rin sa Pilipinas ang aktor na si Gian Magdangal para sa ilang mga stage plays at TV shows.

23 of 50

Serena Dalrymple

Ikinasal na ang dating child star na si Serena Dalrymple sa kanyang non-showbiz partner na si Thomas Bredillet. Mula sa New York City, naninirahan na siya ngayon sa New Hampshire, New England ang dalawa.

24 of 50

BB Gandanghari 

Matagal na ring naninirahan sa Amerika ang aktres na si BB Gandanghari. Bago kilalanin bilang isang babae, isang sikat na aktor si BB sa Pilipinas sa kanyang dating pangalan na Rustom Padilla. Matapos ang ilang taon, umuwi si BB sa bansa Disyembre 2022 upang makasama ang kanyang pamilya rito.

advertisement
25 of 50

Renee Facunla

Taong 2016 pa naging happily married sa London, United Kingdom ang actor-comedian na si Ate Glow o Renee Facunla, ang impersonator ni former president Gloria Macapagal-Arroyo, sa kanyang British husband.

26 of 50

RJ Padilla

Taong 2017 nang magdesisyon si RJ Padilla at ang kanyang pamilya na mag-migrate sa Australia. Sa ngayon, bumabalik din si RJ sa Pilipinas para sa ilang mga TV at film projects.

27 of 50

Kurt Perez

Matapos manalo sa 'StarStruck Kids' noong 2004, hindi na itinuloy ni Kurt Perez ang showbiz career sa Pilipinas at agad na nag-migrate sa Australia kasama ang kanyang pamilya. Sa episode ng “Bawal Judgmental” ng 'Eat Bulaga' noong June 2022, ibinahagi ni Kyle na kasalukuyan na ring siyang nag-aaral ng Masters in Data Science sa Australia.

advertisement
28 of 50

Red Sternberg

Nagpaalam sa kanyang showbiz career sa Pilipinas ang ng former 'T.G.I.S.' star na si Red Sternberg upang manirahan sa Florida, U.S.A. kasama ang kanyang pamilya. Ayon sa huling ulat tungkol kay Red ay isa na siyang Corporate Director of Housekeeping ng By The Sea Resorts Inc.

29 of 50

Leandro Muñoz

Pinili rin ng sikat na '90s actor na si Leandro Muñoz na iwan ang karera sa Pilipinas upang manirahan sa California kasama ang kanyang pamilya. Kamakailan ay muling umingay pangalan ni Leandro dahil sa coming out story ng kanyang transgender son na si Frankie.

30 of 50

Carlo Muñoz

Sa kabila ng pagiging sikat na aktor sa Pilipinas, sumama si Carlo Muñoz sa kapatid na si Leandro sa paghahanap ng bagong buhay sa Amerika. Habang naninirahan dito, pinasok ni Carlo ang iba't ibang trabaho tulad ng warehouse work, at pagiging salesman ng Filipino products.

advertisement
31 of 50

Spanky Rigor

Kasagsagan ng ingay ng kasikatan ng VST & Co. nang lisanin ng isa sa founding members nito na si Spanky Rigor ang buhay-showbiz sa Pilipinas upang manirahan sa California, U.S.A. Ngayon, mahigit tatlong dekada na rin siyang nagtatrabaho roon bilang isang baggage handler sa San Franciso Airport.

32 of 50

Spencer Reyes

Naninirahan na ngayon sa Scotland ang dating Streetboys member na si Spencer Reyes. Ayon sa ulat noon sa '24 Oras,' nagtatrabaho siya sa nasabing bansa bilang isang bus driver at frontliner.

33 of 50

Francheska Farr

Nilisan ni Frencheska Farr ang kanyang showbiz career sa Pilipinas upang magsimula ng bagong buhay sa Amerika kasama ang kanyang asawa na si Gino Jose. Ikinasal sila sa Las Vegas taong 2017. Pansamantala silang umuwi sa Pilipinas February 2020 upang magdaos ng isa pang wedding ceremony sa Batangas.

advertisement
34 of 50

AJ Dee

Nagtatrabaho ngayon sa isang tailoring company sa Oslo, Norway ang actor-model na si AJ Dee. Kasamang naninirahan ni AJ sa nasabing bansa ang kanyang pamilya.

35 of 50

Michelle Madrigal

Nakabase na ngayon sa Texas, USA ang dating aktres na si Michelle Madrigal. Dito ay napangasawa niya ang kanyang ex-husband na ngayon na si Troy Woolfolk. Sa ngayon ay nasa co-parenting setup ang dalawa para sa kanilang anak na si Anika. Disyembre 2022, ibinahagi naman ni Michelle ang larawan nila ng kaniyang bagong boyfriend na si Kyle na isa ring single dad. Magkakasama silang nag-celebrate ng Pasko kasama ang kanilang mga anak sa una nilang mga asawa.

36 of 50

Rich Asuncion

Dahil sa COVID-19 pandemic, nagdesisyon ang aktres na si Rich Asuncion na magtungo na sa Australia kasama ang asawa niyang si Benjamin Mudie at anak nilang si Bela Brie. Abril naman taong 2022 nang ipanganak ni Rich ang kanilang panglawang anak ni Benjamin na si Alessandra. Ibinahagi rin ng aktres na nakabili na sila ng sarili nilang bahay sa Australia.

advertisement
37 of 50

Jinri Park 

Kasal na ngayon sa kanyang Filipino-Australian husband na si John ang dating model-actress na si Jinri Park. Kasalukuyang nasa Australia sina Jinri at ang kanyang asawa.

38 of 50

Ylona Garcia

Nang lisanin ang showbiz career sa Pilipinas, nagtrabaho bilang isang Fast Food chain employee si Ylona Garcia sa Australia. Sa ngayon ay unti-unti namang gumagawa ng pangalan si Ylona sa nasabing bansa bilang isang performer.

39 of 50

LJ Moreno and Jimmy Alapag

Matapos ang ilang mga matitinding pagsubok na dumating sa kanilang pamilya, sa Amerika napiling bumuo ng bagong buhay ang dating aktres na si LJ Moreno kasama ang kaniyang asawa, ang former PBA MVP at GILAS Pilipinas star Jimmy Alapag, at ang kanilang tatlong anak sina Ian, Keona, at Calen. January 2023 naman nang isilang ni LJ ang kanilang ikaapat na anak na si baby Cayson Amory Alapag.

advertisement
40 of 50

Ala Paredes

Nanilbihan naman bilang staff sa isang cafe sa Australia ang dating VJ at commecial model na si Ala Paredes nang lisanin niya ang buhay-showbiz sa Pilipinas. Si Ala ay anak ng APO Hiking Society member na si Jim Paredes.

41 of 50

Dante Varona

Kilala bilang 'King of Stunts' sa Pilipinas ang former action star na si Dante Varona bago niya piliing magtrabaho sa Amerika. Sa vlog noon sa 'The Wander Mamas,' ibinahagi ni Dante na namamasukan siya bilang isang janitor at security personnel hanggang siya ay mag-retire.

42 of 50

Jinky Oda

Sa isang episode ng 'Tunay na Buhay,' ikinuwento ng komedyanteng si Jinky Oda, o Jacque Oda sa totoong buhay, kay Pia Arcangel ang dahilan ng kanyang pagtungo sa Amerika taong 2016.

Aniya, “At that time tapos na 'yung Vampire ang Daddy Ko, so sabi ko ano'ng mangyayari kasi medyo marami nang komedyante na lumalabas tsaka wala akong managerial [contract] nung mga panahon na 'yun.”

Kasalukuyang nagtatrabaho bilang security officer sa San Francisco, California si Jinky. Bukod dito, naranasan din niyang mamasukan bilang on-call caregiver at performer sa isang comedy bar.

advertisement
43 of 50

Kim Last

Taong 2021 naman nang iwan ng 'That's My Bae' na si Kim Last ang kanyang showbiz career sa Pilipinas upang magtungo sa London. Sa isang Instagram post, emosyonal na nagpaalam si Kim sa kanyang mga kaibigan at fans, "Bittersweet is the only way to describe it. You're leaving home, but you're going to another; if that makes sense."

44 of 50

DJ Papa Dan

Matapos ang ilang taon na pagiging disk jock sa Pilipinas, taong 2017 ay pinili nang mag-migrate sa Australia ng dating 'Wanted Sweetheart' na si DJ Papa Dan o Dan Villanueva upang makasama ang girlfriend niya na si Jhoanne. Abril naman taong 2019 ay nag-propose na si Papa Dan kay Jhoanne habang sila ay nagbabakasyon sa Queenstown, New Zealand.

45 of 50

Rhea Santos

July 30, 2019 nang emosyonal na nagpaalam ang broadcaster na si Rhea Santos sa 'Unang Hirit' na naging programa niya sa matagal na panahon at maging sa GMA Network na naging tahanan niya sa loob ng 19 na taon upang muling mag-aral sa Canada. Taong 2021 naman nang matapos ni Rhea ang kanyang 2-year program course na Broadcast and Online Journalism program sa British Columbia Institute of Technology (BCIT). Bukod dito, si Rhea din ang isa sa mga anchor ng 'Omni News: Filipino Edition' sa Canada.

advertisement
46 of 50

Tristan Perez

Good decision para sa dating Blackwater Elite cager na si Tristan Perez ang pag-alis sa bansa upang manirahan sa Canada kasama ang kanyang asawa na si Princess Jhameel Perez at kanilang mga anak. Kuwento ni Tristan sa panayam sa kanya ni Rhea Santos sa OMNI Filipino, para sa kinabukasan ng kanilang mga supling kaya nila naisip ang mag-migrate. Aniya, “Mas pinili naming mag-Canada kasi ang daming benefits na maibibigay sa future ng mga anak ko. Kumbaga, less worry lang sa future.” Sa ngayon, mahigit tatlong taon ng truck driver si Tristan doon at nakatira sa Fort McMurray, Alberta.

47 of 50

Krista Ranillo

Taong 2009 nang iwanan ni Krista Ranillo ang buhay-showbiz sa Pilipinas upang manirahan sa Amerika kasama ang kanyang asawa na si Niño Jeff Lim at kanilang mga anak.

48 of 50

Donita Rose

Dulot din ng takot sa pandemya, taong 2020 ay piniling bumalik sa Amerika ng aktres na si Donita Rose kasama ang kanyang anak sa kanyang ex-husband na si Eric Villarama na si Joshua Paul. Taong 2022, muling nagpakasal si Donita sa kanyang bagong mister na si Felson Palad.

advertisement
49 of 50

Bela Padilla

Habang hindi pa nawawala ang banta ng Covid-19 pandemic, pinili munang manirahan ni Bela Padilla sa London. Paglilinaw naman niya ay hindi pa ito for good at patuloy pa rin ang kanyang trabaho bilang aktres sa Pilipinas habang siya ay nasa ibang bansa.

50 of 50

Cherie Gil

Bago pumanaw ang mahusay at batikang aktres na si Cherie Gil, taong 2022 ay pinili rin nito na manirahan sa Amerika upang makasama ang kanyang mga anak.