advertisement
Celebrity Life

Kilalanin ang mga Little Miss Philippines noon na sikat na ngayon!

1 of 22

Little Gladys

Ipinamalas na noong ng versatile actress na si Gladys Reyes na may ibubuga siya sa show business nang sumali siya sa inaugural year ng 'Little Miss Philippines' noong 1984. Nasungkit ni Gladys ang first runner-up title.

2 of 22

Gladys now

Wala nang dapat si Gladys kung “staying power” dahil, bukod sa pagiging primera kontrabida, naipamalas na rin niya ang husay sa pagho-host at pagpapatawa--sa pamamagitan ng 'Bahay Mo Ba 'To' at 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.'

3 of 22

Ice Seguerra

Kadikit na ng pangalan ni Ice Seguerra ang talent contest na Little Miss Philippines, na nagbukas ng maraming pinto sa kaniya sa show business matapos sumali rito noong 1987.

Bilang sidekick ni Bossing Vic Sotto, napasama siya sa project na 'Okay Ka, Fairy Ko' na from TV, ipinalabas na rin sa big screen. Gumanap siya bilang Aiza na panganay na anak ni Enteng (Vic Sotto) at diwata na si Faye.

Ilan sa mga artista na bumida bilang Faye ay sina Alice Dixson, Tweetie de Leon, Dawn Zulueta, at Kristine Hermosa.

advertisement
4 of 22

Ice Now

Maraming humanga sa “coming out” story ni Ice noong 2012 dahil pag-amin na isa siyang lesbian. Matapos ang dalawang taon, ibinahagi naman niya na isa siyang transgender man. Nakita rin ng publiko ang pag-evolve ang career ni Ice, na ipinagdiwang ang kaniyang 35th showbiz anniversary noong 2022. Mula sa pagiging singer, pinasok rin ni Ice ang pagsisilbi sa gobyerno bilang National Youth Commission chairperson. Nakita rin natin ang talent niya bilang director sa 'Drag Race Philippines: Untucked' series. Masaya rin ang buhay may-asawa ni Ice, na ikinasal sa kaniyang misis na si Liza Diño sa San Francisco noong 2014.

5 of 22

Little Catriona

Bago gumawa ng kasaysayan bilang ika-apat na Pinay na nanalo sa Miss Universe, sumali ang Fil-Aussie na si Catriona Gray sa kaniyang unang pageant sa edad na lima. At ito ay nang itanghal siyang Little Miss Philippines sa Sydney taong 1999.

6 of 22

Catriona Now

Itinuturing ng pageant fans na “golden standard” si Catriona sa pagsali sa international pageant, matapos niyang iuwi ang Miss Universe crown noong 2018. Sino ang makakalimot sa signature na lava walk niya?

advertisement
7 of 22

Little Julie Anne

Sa edad na tatlong taong gulang, nakitaan na ng potensyal si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose. Sumali siya sa Little Miss Philippines noong 1998, kung saan kinanta niya ang hit song ni Whitney Houston na "I Wanna Dance With Somebody".

8 of 22

Julie now 

Hindi na mabilang ang awards na tinaggap ni Julie Anne San Jose bilang singer at ilang kanta na rin ang kaniyang pinasikat. Isa rin siya bankable host ng GMA-7. Sa ngayon, isa siya sa Clash Masters ng singing talent search na 'The Clash.' kasama ang kaniyang boyfriend na si Rayver Cruz. Pinabilib din ni Julie Anne ang marami sa kaniyang breakthrough performance bilang Maria Clara sa hit primetime series. Kung saan gumaganapa naman bilang Crisostomo/ Simoun ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

9 of 22

Little Ryzza Mae

Mainstay na ng 'Eat Bulaga' si Ryzza Mae Dizon, na nanalong 'Little Miss Philippines' noong 2012. Sino ba ang hindi na-kyutan sa kaniya bilang si Aling Maliit?

advertisement
10 of 22

Ryzza Mae Now

May big milestone na ise-celebrate si Ryzza Mae ngayong 2023 dahil ipagdiriwang niya ang kaniyang 18th birthday sa June. Bukod sa pagiging EB Dabarkads, binigyan din siya ng sarili niyang TV show, ang The Ryzza Mae Show, kung saan itinuring siyang youngest TV talk show host mula 2013-2015. Bumida rin siya sa morning soap 'Princess in the Palace'

11 of 22

 Little Jillian

Bago maging Dra. Analyn sa 'Abot-Kamay na Pangarap,' sumali muna si Jillian Ward sa 'Little Miss Philippines' noong 2009.

12 of 22

Jillian Ward

Tinuturing child wonder noon ng Kapuso Network si Jillian, na handang-handa na ngayon sa mas mature roles lalo pa't ipinapakita niya ang husay niya sa pag-arte ngayon sa high-rating at trending na day-time drama na 'Abot Kamay na Pangarap'.

advertisement
13 of 22

Little Pauleen

Graduate rin ng 'Little Miss Philippines' si Dabarkads Pauleen Luna, na sumali sa patimpalak noong 1995.

14 of 22

Pauleen Luna

The rest is history, ika nga. Matapos ang apat na taon na pagdi-date, ikinasal noong 2016 si Pauleen at 'Eat Bulaga' pioneer na si Bossing Vic Sotto. Biniyayaan din ang kanilang pagsasama ng isilang ni Pauleen si Tali, bago ang kanilang second wedding anniversary.

15 of 22

Little Camille

Bago nakilala bilang Sarah Crewe si Camille Prats, sumali na rin siya sa 'Eat Bulaga' noong 1990.

advertisement
16 of 22

Camille Now

Loyal bilang Kapuso si Camille Prats, na pumirma uli ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center noong May 2022. Mapapanood siya soon sa GMA Afternoon Prime soap na 'Arabella.' Isa rin siya sa pinakamahusay na Kapuso host ngayon.

17 of 22

Little Jessa

Isa rin sa produkto ng 1987 Little Miss Philippines ang 'Bakit Pa' hitmaker at Phenomenal Diva na si Jessa Zaragoza.

Ka-batch ng OPM diva ang singer-director na si Ice Seguerra.

18 of 22

Jessa Now

Malakas ang hatak ng show business, kaya hindi nakapagtatakang naging singer rin ang unica hija ni Jessa at singer husband niyang si Dingdong Avanzado na si Jayda.

advertisement
19 of 22

Little Lady Lee

Isa rin sa mga tumatak na graduates ng Little Miss Philippines si Lady Lee o Cristina Edrosa Lee na itinanghal na first runner-up noong 1990.

Sa kaniyang murang edad, may ibubuga na ito sa pag-arte, dahil nakakuha ito ng nominasyon 1991 bilang FAMAS Best Child Actress.

20 of 22

Lady Now

Ayon sa ulat ng former Unang Hirit broadcaster na si Rhea Santos para Filipino news program sa Canada na OMNI Filipino noong 2021, isang Culinary Arts student si Lady Lee sa Vancouver Community College (VCC).

Kasal na rin ito at may dalawang anak.

21 of 22

Little Lauren

Sa murang edad na tatlong taon, nagmo-model na ang Sparkada beauty na si Lauren King. Minsan din siyang sumali sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga.

advertisement
22 of 22

Lauren now

Isa sa promising talent ng Sparkle GMA Artist Center si Lauren King.