Celebrity Life

Drew Arellano and Iya Villania, balak nang magka-baby next year

By BEA RODRIGUEZ



Parehong busy ang Kapuso couple dahil sa kani-kanilang showbiz commitments pero may plano na raw silang magka-anak sa susunod na taon.

Baby boy or girl kaya?

Sa chika ni Cata Tibayan sa 24 Oras Weekend, sinabi ni Drew, “Boy [o] girl, kunwari boy siya physically pero gusto niya maging girl or girl physically pero gusto niyang maging boy, importante meron kaming anak na mamahalin.”

Isang taon nang kasal ang mag-asawa at kahit busy ang dalawa sa kanilang mga showbiz engagements, sinisigurado pa rin nila na may oras sila para sa isa't isa. Paboritong bonding ng dalawa ang paglalakbay at ang pagsali sa mga triathlon kung saan nanalo si Iya kamakailan

Importante sa kanila ang manatiling malusog kaya nahihilig sila sa mga sports competition. Aniya ng Biyahe ni Drew host sa panayam, “When you share a common goal [and] when you share a common sport, then your relationship will just be deeper and will reach another level.”

READ: Drew reveals secrets to his successful relationship with Iya