Celebrity Life

Marian Rivera, inayawan ang allowance at kotse noong nagsisimula sa showbiz

By BEA RODRIGUEZ



Bumista si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Mars at inamin na siya ay isang “strong and independent woman” mula noong nagsisimula siya sa showbiz sa edad na 22.

“After ko maka-graduate ng college, bumukod na ‘ko. Ang gusto kong mangyari [ay] matuto ako so noong nag-artista ako, [nagsimula ako] from scratch. May kotse ako [pero] sinauli ko [at] ‘yung allowance ko monthly hindi ko kinuha so nag-start ako from ganun,” ang kuwento niya kina Mars Suzi at Mars Camille.

Katulad ng ibang artistang nagsisimula sa showbiz, naranasan din ng Primetime Queen na sumakay ng pampubliko na transportasyon kagaya ng taxi. Tutol daw ang kanyang lola sa pag-alis niya ng bahay, “Actually, hindi pabor ang lola ko dun kasi 22 years inalagaan niya ako tapos bumukod ako.”

Ngunit, itinuloy niya pa rin ang pagsasarili, “Parang gusto kong ma-try ‘yung totoong buhay kasi minsan kapag nasa ‘yo na at binigay na sa ‘yo parang hindi mo alam pa’no i-appreciate ‘yung mga bagay na dadating pa sa ‘yo.”



“Sabi ko mas maganda na kung ano man ang meron ako ngayon, sobrang proud ako kasi alam kong pinaghirapan ko, dugo’t pawis ko kumbaga. So, mas masarap ‘yon,” dagdag ng soon-to-be mom.

READ: Marian Rivera spotted bonding with “The Rich Man’s Daughter” girls 

Ngunit nilinaw niya na, kapag nagdedesiyon daw siya, hindi niya pa rin kinakaligtaan ang mga taong mahal niya dahil gusto niya muna kunin ang mga pahayag nito.

“Malaking factor sa akin ang mga nakapaligid sa akin, especially na may asawa ako, so lahat ng gagawin ko sa buhay ko, hindi lang pwede na ako lang ang magdedesisyon. Very open ako, especially sa family. Mahalaga sa akin ang pamilya.”

READ: Dingdong Dantes, binisita si Marian Rivera sa trabaho 

Marami raw siyang natutunan sa kanyang pinagdaanan sa showbiz at siya umano ang nagtulak sa kapwa niyang artista na si Sheena Halili na magsarili nang binahagi ito sa kanya.