advertisement
Celebrity Life

Kapuso stars, nakisali sa AI 90s Yearbook Trend

1 of 27

Megan Young

Isa ang dating beauty queen na si Megan Young sa mga unang sumabak sa AI Yearbook trend. Ayon sa post niya sa Instagram, dati pa namang curly ang buhok niya, gaya ng nasa picture. Samantala, nag-"yasssss" naman si Megan sa komentong "Goth Megan is a yes" sa kanyang post.

2 of 27

Mikael Daez

Mula sa pagiging long hair hanggang sa pagiging sporty naman ang naging AI yearbook photos ni Mikael Daez. Ang ilan pa sa mga pictures niya ay tila badboy na naka-leather jacket. Ngunit para sa aktor, parang hindi siya "type ni Koya AI" base sa mga pictures niya.

3 of 27

Elle Villanueva

Ipinakilala naman ni Elle Villanueva ang sarili niya bilang highschool sweetheart sa kanyang AI yearbook photos. From pretty studious look papunta sa isa na tila kamukha ng suot ni Princess Sarah, talagang isang highschool sweetheart ang dating ni Elle.

advertisement
4 of 27

Derrick Monasterio

Iba't ibang looks naman ang nakuha ni Derrick mula sa trend. Mula sa pagiging racer at rakista to football player at model student. Tanong niya sa nakararami, ano nga ba best look para sa kanya?

5 of 27

Shuvee Etrata

Mula sa pagiging prim and proper na princess ni Shuvee Etrata, naging feisty na boxer naman siya sa kanyang AI yearbook photos.

6 of 27

Maxine Medina

Studious student at cheerleader naman ang naging looks ni Maxine Medina sa kanyang AI yearbook photos. Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan pa niya si Thia Thomalla, na nagsabing ito ang "best grad pic" niya.

advertisement
7 of 27

Thia Thomalla

Parisian student o punk rocker? 'Yan ang ilan sa mga looks ni Thia Thomalla sa kanyang AI yearbook. Kahit karamihan sa pictures na na-generate ay good girl ang look niya, inamin ng aktres na pinakanagustuhan niya ay ang punk look.

8 of 27

Zonia Mejia

Model student at music lover looks din ang kinalabasan ng AI generated photos ni Zonia Mejia.

9 of 27

Anthony Rosaldo

"Rakistang sporty nerd" ang paghahalintulad ni Anthony Rosaldo sa mga AI yearbook photos niya.

advertisement
10 of 27

Garrett Bolden

Ang Kapuso Soul Balladeer na si Garret Bolden, naging rapper and esteemed scientist naman sa kanyang AI yearbook photos. Marami rin ang nagsabi na bagay sa kanya lahat ng looks na binigay ng AI program.

11 of 27

Abdul Raman

Mula sa pagiging racecar driver papunta sa isang ordinary student ang naging AI Yearbook photos ni Abdul Raman. Bukod pa dito ay meron din siyang rock star at nerdy looks.

12 of 27

Eruption

Mula sa pagiging maskulado ay naging nerdy at studious si Eric "Eruption" Tai sa kanyang AI yearbook photos.

advertisement
13 of 27

Thea Tolentino

Hindi rin nagpahuli si Thea Tolentino sa AI 90s Yearbook trend. Ayon sa aktres, pinakamalapit sa itsura niya ang mga naging resulta ng naturang program.

14 of 27

Rhian Ramos

Humabol din ang 'Royal Blood' star na si Rhian Ramos sa AI '90s Yearbook Trend nang magpost ito ng mga "pics from the yearbook I never had" sa kanyang Instagram.

15 of 27

Alex Gonzaga

Samantala, kasabay ng mga AI Yearbook photos niya ay nagbigay din ng graduation message ang aktres at host na si Alex Gonzaga. Caption niya sa kanyang AI Yearbook photos, "A simple and yet sweet girl with an extraordinary dream. 'I'll miss my pals and buddies. See you in LA holla.'"

advertisement
16 of 27

Kryz Uy

Inamin naman ni Kryz Uy na dalawang beses niyang sinubukan ang AI '90s Yearbook program dahil na-enjoy nila ito ng husto ng kaniyang best friend.

17 of 27

Yassi Pressman

Sinubukan na rin ng 'Black Rider' star na si Yassi Pressman ang AI '90s Yearbook trend ngunit ayon sa aktres ay hindi niya kamukha ang mga nasa litrato.

18 of 27

Beatrice Luigi

Ipinakita naman ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi ang kaibahan ng kaniyang AI generated High School photos at real-life photos sa kaniyang Instagram account.

advertisement
19 of 27

Gwen Zamora

Naglapag din ang aktres na si Gwen Zamora ng kaniyang AI Yearbook photos.

20 of 27

Sam Pinto

Nag-enjoy din ang aktres na si Sam Pinto sa AI Yearbook trend, at sinabi pang na-e-engganyo siyang sumubok ng iba't-ibang hairstyles dahil dito.

21 of 27

Bretman Rock

Hindi naman makapaniwala ang social media personality na si Bretman Rock sa kinalabasan ng kaniyang AI Yearbook photos. Caption niya sa kaniyang post, "Who are these people , like girl I can't believe I paid twice for this, Miss.AI can't comprehend my beauty I guess lol"

advertisement
22 of 27

Sarah Lahbati

Tila back to school naman si Sarah Lahbati sa kanyang AI '90s Yearbook photos.

23 of 27

Sofia Andres

Iba't-ibang looks din ang nakuha ng aktres na si Sofia Andres nang subukan niya ang AI Yearbook trend.

24 of 27

Kylie Verzosa

Aminado naman ang aktres na si Kylie Verzosa na sa dami ng pinagdaanan niyang phases noong highschool, masasabi niyang nerd siya noon.

advertisement
25 of 27

Sandara Park

Ipinakita rin ng Korean Pop star na si Sandara Park o Dara kung ano ang maaaring naging istura niya noong high school sa AI Yearbook trend.

26 of 27

Mavy Legaspi

Nakisali na rin sa AI '90s Yearbook trend ang aktor na si Mavy Legaspi at sa caption ng kaniyang photos, sinabi niyang isa siyang "90s kid in another lifetime."

27 of 27

Kate Valdez

Pumasok na rin sa sarili niyang "'90s AI multiverse" ang aktres na si Kate Valdez at ilan sa mga netizens ay hinalintulad siya sa Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo.

advertisement